"Apo, I am so happy for you!" ani Lola sabay yakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko masyadong inintindi si Lola dahil nakatuon pa rin yung atensiyon ko kina Gavin at Tita Athalia.
Nakita kong biglang pinigilan ni Tita si Gavin nung humakbang tong tumalikod ngunit hindi pa rin to pinansin ng lalaki.
Anong problema ng lalakeng yun? Napakabastos naman niya.
Pero teka, base sa mga nakita ko parang matagal na silang magkakilala. Sino ka ba talaga Gavin Berrones?
"Sophie, are you okay?" Bigla akong natauhan nang marinig ko yung nag-alalang tanong ni Lola. Kumalas na pala to sa akin.
"Lola... I-I'm sorry... Medyo napagod... lang po ako," I answered, stuttering.
"Apo, dahan-dahan lang. Ang sabi sa akin ni Zaza, masyado mong pinagod yang sarili mo sa pag-aasikaso sa mga bagong bukas na branches ng Sophie's Garden. Baka magkasakit ka pa niyan."
Oo nga pala si Zaza, ba't di ko siya nakita ngayon? Hindi kaya talagang nagtatampo yun sa akin?
I let out a hard sigh. "La, I'm fine. Don't worry about me, okay?"
"Okay... Basta ingatan mo lang lagi yang sarili mo. Don't push yourself too much. Take a break, Darlin'... Oo nga pala, hindi ko napansin si Czarina. Nakita mo ba siya?"
"Hindi nga po eh. Baka may importanteng ginagawa na hindi pwedeng ipagpaliban." If I know, kasama na naman nito si Rex.
"Anong klaseng importante? Pwede naman nitong iwan muna sandali yung kanyang coffee shop sa mga tauhan niya... Siguro kasama na naman nito yung barumbadong Rex na yun," medyo inis na sabi ni Lola Mathilda.
"La, hindi na po bata si Zaza. She already knew what is good for her. Mabuti pa'y bumalik na lang po tayo dun sa mesa, okay?" pangungumbinsi ko nito.
Bago kami tumungo sa mesa nilingon ko muna yung kinaroroonan nina Gavin at Tita Athalia kanina ngunit wala na sila dun.
Lumipas na ang ilang oras, hindi pa rin lumapit uli sa akin si Gavin. I tried to act normal and contented, still, it's really hard for me to pretend that everything is fine. Ang sarap pagmasdan yung mga masasayang mukha ng aking pamilya. They are my strength and the only reason why I'm here.
Sa di kalayuan nakita ko si Zaza na kakarating pa lang. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at nilapitan to.
"Zaza, where have you been? Kanina ka pa nila hinahanap." Napansin kong parang namumugto yung mga mata nito. "Are you okay?" nag-alala kong tanong sa kanya.
"He... broke... up... with me... I hate him!" wala sa sariling sagot nito.
"What?" My brow arched.
"Soph, wag kang magtiwala sa mga lalake na yan. Lolokohin ka lang nila. Trust me..."
"Zaza... Wait, nakainom ka ba?"
"Konti lang... I needed it para maibsan naman yung sakit dito sa puso ko." Tinuro nito ang sariling dibdib. Alam kong nagkaprobleman na naman to kay Rex.
"Czarina, don't let him ruin your life. You're young and beautiful. It's his loss!" Parang nakita ko sa kanya yung mga panahon na niloko rin ako noon ni Seth.
"Thanks... By the way, bagay sayo yang suot mong damit. You're the prettiest woman on Earth tonight!" sambit nito habang pilit ngumiti.
"Galing kaya to sayo," tugon ko sabay kindat sa kanya. "Oo nga pala, pasensiya ka na ha kung medyo naging secretive ako lately... Alam mo..."
But she cut me off. "It's okay, I understand. He's a better man, after all. Pasalamat ka't kinausap niya ako kanina after the breaking news, dahil kung hindi, I won't talk to you anymore."
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
Ficción General[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...