Chapter 5 - Answer

7.3K 187 18
                                    

"Make it fast, Sweetheart," sabi ni Gavin while guiding me inside his car. Sa harapan niya ako pinaupo.

Hindi ako makapag-salita dahil sobra akong hinihingal. Grabe, halos makaladkad na ako sa paghila niya sa akin papunta sa kanyang kotse. Hindi ba niya napansin na mataas yung takong ng sandals ko? Kainis siya!

Nagmamadali na ring pumasok si Gavin at pinaandar kaagad yung kotse nito. Pinaharurot ng mabilis na para bang nakipagkarerahan sa isang kompetisyon.

Goodness, bakit siya pa... siya pa yung tanging sagot sa dasal ko kanina?

Please, send me someone... Oh, no!

Hay, ano ba tong nangyayari sa akin ngayon. Di ba dapat galit ako sa kanya?

He was the one who put me on this stupid situation where I'm stuck right now. Kasalanan niya to! Ugh...

But you have to calm down, Sophia. Kailangan mo siyang makausap nang masinsinan.

Okay... Breathe... Inhale... Exhale...

I was thinking that this was the perfect time na sumbatan ko siya, I mean, pagpapaliwanagin ko siya sa lahat ng kaguluhang to.

I'm engage with Sophia... That might be a one line revelation but it brought up thousands of questions in everyone's mind, including my family.

"Bakit mo yun ginawa?" nagtitimpi kong tanong sa kanya. Tanong para sa pag-amin niya sa isang kasinungalingang bagay. But I felt him smirking.

Oh, no! I hate that smirk of yours! Stop doing that!

"You're welcome..." At lumingon to sa akin sabay kindat.

"What!" Nang-aasar ba siya? Ginagalit talaga ako ng lalaking to!

Nakatingin na naman to sa harapan.

"You owe me a thing for saving your life, Sophia." Nakangisi pa rin to. Ang sarap niyang sabunutan. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa sobrang inis ko sa lalaking ito.

"I never asked you to help me. Well, to inform you, Mr. Berrones..."

"Gavin na lang. Masyado namang pormal yung Mr. Berrones." He cut me off, as usual.

But I insisted. "For your information Mr. Berrones, wala akong planong takasan yung mga reporter na yun... Sa totoo pa nga, ako yung nagpatawag sa kanila para ipagkakalandakan ko sa buong mundo na nagsisinungaling ka lang kanina," sarkastiko kong tugon.

Alam kong kumunot yung noo niya. Kahit nakatingin siya sa harapan, kitang-kita ko pa rin yung nakalukot na balat sa gilid ng kanyang noo. Sigurado akong napikon na si Gavin sa akin.

Deep inside I felt happy thinking that he was affected and it made him mad. Lintik lang ang walang ganti!

Nawala yung kasiyahan ko nang bigla niyang ihinto yung kotse.

What the...!

Halos mabagok yung ulo ko sa sobrang lakas ng impact. I looked up and started to panic when I realized that he was going to make a u-turn, turning back to the condo, perhaps.

Oh no! Parang mali ata yung atake ko! Mukhang mas lalo pa siyang nainis sa mga sinasabi ko. To the point na gusto niya akong gantihan.

No! No! No!

"Anong ginagawa mo?" nataranta kong tanong sa kanya. Baka may balak talaga tong ibalik ako sa condo? No way!

"Sabi mo kasi, ikaw yung nagpatawag sa mga asungot na yun. Baka iisipin pa nila ang bastos-bastos ko dahil hinila kita na hindi ka pa nila na-iinterview," mahinahon niyang sagot. What? Are you insane?

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now