Chapter 7 - Shake-Hands

7.3K 182 28
                                    

Dedicated to: justgelz

All rights reserved.

Copyright © Ladysnowdrop_elm, 2015

---------------

Heto na naman ako. Naririnig ang sariling tibok ng puso. Palakas ng palakas. Pabilis ng pabilis. At biglang hihinto sa di-malamang dahilan. Ganito ba talaga yung totoong bugso ng damdamin? Eh, ano yung naramdaman ko dati para kay Seth? This can't be. Walang ibang dahilan ang pagbugso ng damdamin kong ito kundi pangamba, takot, alinlangan at galit ko para sa kanya.

Kahit anong pilit ko sa sarili na kamuhian si Gavin, heto pa rin ako naghahangad at naghihintay sa matamis nitong halik at yun ang pangamba ko.

"Miss Campoverde hin..."

I cut him off. "Tanging yung kayamanan mo lang ang maaaring makapagbigay ng malaking tulong sa negosyo ng aming pamilya na unti-unti ng bumabagsak ngayon." Tinitigan niya ako ng malalim pagkatapos kong sabihin yun.

Humugot muna ako ng malalim bago nagpatuloy. Hindi pa rin nawala yung titig niya sa akin na para bang sinuri yung kabuuan ng aking mukha.

"You're a CEO and the owner of BWC kaya alam kong umabot na sayo ang balita tungkol sa estado ng Hotel de Victoria... Kailangan ko ang tulong mo, Mr. Berrones." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Totoo naman yung sinabi ko... At sa tingin ko, ito na yung tamang panahon na matutulungan ko yung mga magulang ko. Isasantabi ko muna yung galit ko kay Gavin para na rin sa kabutihan ng aming pamilya.

Kumunot yung noo niya. Napaka-seryoso ng kanyang mukha. Sa hitsurang ipinakita niya alam kong malalim yung kanyang iniisip.

Please just say YES... to me... Just say it...

"Anong kinalaman ng aking winery business sa naghihingalo niyong hotel? Ang layo naman... diba? Alam mo bang sa lahat ng mga magagara at mamahaling hotel sa buong bansa, yung hotel niyo lang ang hindi pa napapasok ng Berrones Winery Corporation? Dahil..." He heaved a sigh and ran his hand through his hair. Damn, he looked so hot. Nakita kong bumuka ulit yung kanyang bibig. My mouth went dry and I felt unusual.

"Dahil sa ibang kompanya niyo ibinigay yung account," he added.

All of a sudden, I remembered the day he kissed me and this wasn't good. It made feel uneasiness. Umiling ako ng marahan para iwaglit sa isipan yung mga di kanais-nais na bagay. Buti't bumalik naman sa katinuan yung isipan ko at rumestro ulit sa utak ko yung huling sinabi nito.

Ngunit 'di ko alam kung paano siya sagutin. Wala kasi akong ideya sa mga ganyang bagay. Nag-iba nga ako ng career pero hindi naman sa hotel namin ako nagtatrabaho. Buti na lang at konektado pa rin yung napili kong career sa negosyo ng aming pamilya.

"Look, Mr. Berrones... Hindi ako lalapit sayo kung hindi ko talaga kailangan yung tulong mo."

Kailanman hindi ako nagmamakaawa kahit ninuman. Pero kailangan ko talagang gawin to. Alam kong maraming koneksyon si Gavin at isa siya sa pinakamayamang lalake sa buong bansa. In trade industry, he established an unshakable name.

"Miss Campoverde, ano naman ang makukuha ko kung papayag akong makipagkasundo sayo? Ano bang kaya mong ibigay sa akin?"

My brow arched when I heard those lines that came from his stupid mouth.

Ang bastos talaga ng lalakeng to! Kung makatitig siya sa akin, para na akong hinuhubaran. Pakiramdam ko tuloy wala akong saplot na nakatayo sa kanyang harapan. Nakakainis ka, Berrones! I need to calm down. Breathe Sophia...

The Exchange Deal (TBS: Book 1)Where stories live. Discover now