Sophie
Buti na lang dumating si Mommy sa harden. Nakakita ako ng pagkakataon na makaiwas sa mga nakakalitong tanong ni Tita Nimfa sa akin.
Pagkatapos naming mag-breakfast umalis kaagad ako kasama yung mga tauhan ko. We headed to Crisostomo's Mansion. Dala namin yung lahat ng bulaklak na naka-stock sa barn. Si Cary naman nauna ng umalis dahil may asikasuhin pa daw to ng kung anong bagay. Sumabay na din si Tita Nimfa kina Mommy at Daddy pabalik ng siyudad.
Bago ako umalis tinawagan ko muna si Gavin pero naka-off yung phone nito. Hindi ko mapigilang malungkot pero kailangan ako ng mga tauhan ko. At napag-isip ko na saka ko na lang iisipin yung problema namin ni Gavin after I settled my own problem with my business.
Oh Gavin, I'm really torn...
Mahigit dalawang oras yung bibiyahiin namin bago makarating sa bayan kung saan andun yung mansion ng mga Crisotomo. Yung isang sasakyan ng farm yung ginamit namin papunta dun. Sinabihan ko na rin si Monna na dun na kami magkikita para sa iba pang bulaklak. I hope it would work as the way I've planned.
"Miss, are you okay?" pukaw sa akin ni Emy. Tanging tango lang ang isinagot ko nito. Hindi na rin to nagsalita ulit at hinayaan lang ako na ipikit ang aking mga mata. This was the best way to hide my gloomy eyes.
Biglang tumunog yung phone ko at nabuhayan ako ng loob but I realized it wasn't the tone that I assigned to his number. Iminulat ko ang aking mga mata at kinuha yung phone na nasa loob ng bag ko. Tinignan ko kung sino yung tumawag. It was Franz.
Oh God, I forgot to call her after I suddenly left on her office yesterday... Nawala kasi sa isipan ko. Isa-isa din kasi tumawag sa akin kahapon yung iba naming pinsan para kamustahin ako pati na rin yung mga kapatid ni Daddy.
"Franz..." bungad ko sa pinsan kong designer.
"Oh God, are you alright? Pasensiya ka na kung ngayon na ako nakatawag sayo. Chantal told me last night about what happened," may bahid na pag-alala yung boses nito.
"I'm good... Pasensiya ka na rin kung hindi na ako nakapag-paalam sayo kahapon. I was worried kaya nawala sa isipan ko," sabi ko.
"It's okay as long as you're safe... Gusto na sana kitang tawagan kagabi at mainis sayo, buti na lang mas nauna ng tumawag sa akin si Chantal and she told me everything. Agad kong tinawagan yung landline mo diyan sa farm kagabi pero si Zach yung nakasagot. Sinabi nito na nagpahinga ka na raw."
"Thanks for checking me out, Franz."
"Don't mention it. We're family. Wait, are you still in your farm right now?"
I sighed. "No, I mean, I'm heading to Crisostomo's Mansion at this moment. We have a business appointment with Mrs. Crisostomo."
"Kailangan mo ba talagang sumama sa mga tauhan mo? Sophie, you have to stay at home hangga't hindi pa nahuhuli yung mga kriminal na yun."
![](https://img.wattpad.com/cover/38472684-288-k44282.jpg)
YOU ARE READING
The Exchange Deal (TBS: Book 1)
General Fiction[THE BACHELORS SERIES - Book 1] GAVIN BERRONES When Sophia's family business turns unstable, she has to make a decision to save it. She plans to make a deal with one of the hottest bachelors in town, for the goodness of everyone. But what about her...