CHAPTER 1

2.7K 32 1
                                    

“COME IN!” saad ko nang marinig kong may kumatok sa labas ng opisina ko. Hindi ako nag-angat ng mukha upang tingnan kung sino ang pumasok sa bumukas na pinto. Nakatuon pa rin ang paningin at atensyon ko sa mga papeles na kanina ko pa binabasa at pinipirmahan.

“Hindi ka pa ba uuwi?” dinig kong tanong sa ’kin ni Jule.

“What time is it?”

“Alas sinco na po, boss!”

Doon lang ako tumigil sa ginagawa ko at nag-angat ng mukha para tingnan ito. Magkasalubong ang mga kilay na itinaas ko ang wrist ko para tingnan doon ang suot kong relo. Yeah, right! It’s five in the afternoon. Sa sobrang busy ko sa trabaho, hindi ko na napansin ang oras, uwian na pala. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Jule sa office ko, hindi pa ako titigil sa ginagawa ko.

“Tatapusin mo pa ba ’yang ginagawa mo?” tanong nito sa ’kin saka ito umupo sa visitor’s chair na nasa gilid ng mesa ko. “Kasi kung oo, hihintayin na lang kita para sabay na tayong umuwi sa bahay.”

I let out a deep sigh and leaned back in my swivel chair. Bahagya ko ring minasahe ang right wrist ko nang maramdaman kong medyo masakit na iyon dahil sa dami ng papers and documents na pinirmahan ko simula pa kanina.

“Sabay na tayo. Magpapahinga lang ako saglit then I’ll clean my table para makaalis na tayo,” sabi ko rito.

“Okay sige.”

It’s been one year simula nang mangyari ang mga bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko. One year na simula nang mawala si papa. One year na, pero pinipilit ko pa ring mamuhay ng normal. Pinipilit ko pa ring bumalik sa dati ang takbo ng buhay ko. Pinipilit ko pa ring kalimutan ang mga masasakit na alalang nangyari dati. Pero aaminin kong hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko simula nang makauwi ako sa bahay. Until now, dala-dala ko pa rin sa puso ko ang sakit at lungkot dahil sa pagkawala ni papa. Dahil sa mga nangyari.

Simula nang makauwi ako sa bahay namin, maraming bagay na rin ang mga nagbago. Una na roon ang pagiging CEO ko ngayon sa negosyong naiwan ni papa. Simula nang maging okay kami ni Shiloh, ibinalik nito sa akin ang mga important documents ni papa na ninakaw ni Zakh. Ang titulo ng bahay namin, ang titulo at papeles ng mga ari-arian at negosyo ni papa. Wala namang iba at puwedeng gumawa sa trabahong ito kun’di ako lang. Kaya ngayon, ako na ang namamahala sa mga naiwan nitong negosyo. Nalaman ko rin na hindi naman pala talaga nalugi ang company ng papa dati. Unti-unti lang itong ninanakawan ni Zakh at inililipat sa bank account nito ang perang kinikita ng kompanya. Hanggang sa nalugi na si papa at nagkaroon ito ng malaking utang. Siguro dahil sa labis na tiwala ni papa kay Zakh noon kaya hindi nito naisip na si Zakh ang nagta-traydor sa kaniya. Mabuti na lang at wala na ito sa mundo kaya naging okay ulit ang pinaghirapan ng papa ko. And I made a promise to myself na aalagaan ko itong mga naiwang negosyo ni papa. Hindi pa man ako ganoon kahanda tungkol sa bagay na ito, pero laking pasasalamat ko na lang na nandiyan ang tatlo kong kuya na gumagabay sa ’kin. Tinutulungan nila ako kung paano magpatakbo ng negosyo. Hands on sila masiyado para turuan ako sa mga bagay na dapat ay matutunan ko. And, si Jule... simula nang umalis kami sa rest house ni Kuya Kidlat, sa akin na ito nakatira. Kinuha ko rin itong empleyado sa kompanya. She’s my secretary by the way. Si Shiloh naman, sobrang okay na ulit kami. Pareho na naming isinantabi at ibinaon sa limot ang mga panget na nangyari noon. Si Manay Salve naman, ito ang kasama namin ni Jule sa bahay. And of course, how does it feel to have triplets older brother? Mmm, masaya! Ramdam kong prinsesa ako sa kanila. Masaya kasi alam kong no matter what happens, may tatlong lalaki na magtatanggol sa ’kin at hindi ako pababayan. Until now hindi pa rin talaga ako lubos na makapaniwalang kapatid ko pala sila. Parang kahapon lang nang sinabi nila sa akin ang totoo. Parang kahapon lang nang ipinakita nila sa akin ang video ni mama kasama silang tatlo. Ikinuwento nila sa akin na, sila talaga ang unang pamilya ni mama. Wala akong alam tungkol doon. And never in my whole life na sumagi sa isipan ko na... what if may ibang pamilya ang isa sa magulang ko? Kaya ganoon na lang ang labis na pagkagulat ko nang malaman ko ang totoo.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now