CHAPTER 35

476 27 1
                                    

KUNOT ang noo ko habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa gitna ng pinto ng opisina ni Hideo. Yeah, right. It’s her. It’s Marga. Ang babaeng kasama ni Hideo rito sa office niya nang nakaraan. Ang babaeng nakita kong kahalikan niya no’ng nakaraan. Ewan ko ba, pero ngayong nakita ko pa lang ang mukha nito ay bigla akong nairita. Lihim akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

“Hi babe!”

Babe? Ang kapal naman ng mukha nito! Kitang-kita na nga nitong nakaupo ako sa kandungan ng asawa ko tapos tatawagin nitong babe si Hideo? Aba, naghahanap ba ito ng gulo?

Oh, God! Nararamdaman kong unti-unting sumusukob ang dugo ko dahil sa babaeng ito.

“What are you doing here, Marga?” tanong ni Hideo rito.

Ngumiti naman ito nang malapad habang pakinding-kinding na naglakad palapit sa mesa ni Hideo.

Tinanggal ko ang mga braso kong nakapulupot sa leeg niya at tumingin sa kaniya ng seryoso.

“Wife,” aniya.

“Ano’ng ginagawa ng babaeng ’yan dito?” tanong ko.

Magsasalita na sana si Hideo para sagutin ang tanong ko, pero mabilis namang nagsalita si Marga.

“Oh, so you’re the wife?” ani nito.

Seryoso pa rin ang mukha ko nang magbaling ako ng tingin dito. Ilang saglit ko itong tinitigan bago ako tumayo at umalis sa kandungan ni Hideo.

“Not bad,” wika pa nito habang sinusuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa ko. Ngumiti pa ito ng nakakaloko nang muling magtama ang mga paningin namin. “Magaling ka talaga pumili ng babae mo, babe.”

Napatiim-bagang na ako dahil sa muling pagtawag nito ng babe sa asawa ko. Oh, ayoko ng gulo rito sa mismong teritoryo ko! Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Napatayo naman sa puwesto niya si Hideo at hinawakan ang kamay ko.

“Wife, go on... I’ll talk to her.”

Hindi ako nagsalita sa halip ay tiningnan ko lang ulit ng seryoso ang Marga na ito. Mayamaya ay bumukas ulit ang pinto ng opisina ni Hideo, sumilip doon si Maya.

“Ma’am Ysolde, sorry to disturb you po. Pero, nasa line two po si Mr. Imperial.”

Ayoko man sanang lumabas para mapakinggan ko ang pag-uusapan nina Hideo at ng Marga na ito, pero wala na rin akong nagawa. Pero bago pa ako tuluyang humakbang palabas ng office ni Hideo, isang seryosong tingin ulit ang ibinigay ko sa Marga na ito.

Pagkapasok ko sa office ko ay tiningnan ko pa sila mula sa glass wall bago ako naglakad palapit sa table ko at sinagot ang tawag sa akin ni Hunter.

Kung hindi lang importante ang pag-uusapan namin ni Hunter, kaagad na akong nagpaalam dito. Pero inabot pa ng ilang minuto ang pag-uusap namin habang seryoso rin namang nag-uusap sina Hideo at Marga.

“Alright, don’t worry about the wines. I’ll make sure na makakapagpa-deliver ako sa Imperial Palace by next week,” sabi ko. “I’m sorry again kung hindi na kita na-meet para pag-usapan itong business natin. Medyo na-busy lang. Okay. Thank you, Hunter. Bye!” saad ko bago tinapos ang pag-uusap namin at ibinalik sa lalagyan ang telepono ko.

Pagkatapos ay pinaikot ko ang upuan ko paharap sa opisina ni Hideo. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kong nakatayo na sa tabi ni Hideo ang Marga na iyon. Nakaupo naman si Hideo sa swivel chair niya. At ang lokong asawa ko, bakit hinahayaan niyang himasin ng Marga na iyon ang balikat at braso niya?

Bigla akong napatayo sa puwesto ko. Napatingin naman siya sa direksyon ko pagkuwa’y mabilis na tinanggal ang kamay ni Marga na nasa braso niya pa rin at masuyong humahaplos doon.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now