CHAPTER 8

600 23 5
                                    

ISINANDAL ko ang likod ko sa swivel chair nang matapos ang trabaho ko. Tinanggal ko ang suot kong salamin at minasahe ang sentido ko. Even my neck. Ramdam ko kasi talaga ang pananakit sa leeg at likod ko dahil sa maghapon at dire-diretsong trabaho ko. It’s been three days na masiyado akong naging busy. And finally, natapos ko na rin ang nakatambak na trabaho ko. Sa isang taong pagtatrabaho ko rito sa Latorre Vino, ni isang beses ay hindi pa ako nakakapag-relax or unwind. Dahil kagaya sa pangako ko kay papa dati, ibinuhos ko rito ang buong oras at atensyon ko para makabangon ulit ang kompanya. And sa tulong ng mga kuya ko, awa ng Diyos ay nakikita ko naman na ngayon ang magandang resulta sa lahat ng pinagpaguran ko.

And maybe Shiloh and Jule are right. Kailangan ko na ngang mag-relax saglit para ma-freshen up ang utak at katawan ko. Besides, reward ko na rin ’yon sa sarili ko dahil sa pagiging masipag ko sa trabaho. Hindi na dapat ako manghinayang sa mga araw na nasa bakasyon ako instead na nasa office ako and doing my job. Deserve ko rin naman siguro ’yon. Ako lang itong ayaw na payagan ang sarili na mag-relax. And mabuti na lang at hindi ako tinigilan nina Shiloh at Jule na sumama sa bakasyon nila bukas. Dahil kung hindi, for sure, buong maghapon lang akong hihilata sa bahay while nasa beach sila.

“Good afternoon po, ma’am.”

Napatingin ako sa bumukas na pinto at pumasok doon si Arn. Yeah, he’s here again. Simula nang araw na nagdala ito rito ng sandamakmak na mga bulaklak, araw-araw na ay lagi na itong dumadating sa office ko na kung anu-ano lang ang dala. Like foods. Nakakapagtaka lang na lahat ng dinadala nitong pagkain ay paborito ko. I asked him once kung sino ang boss nito, pero hindi pa rin ito nagsasabi sa ’kin. And of course, the flowers. Hindi na nawala ’yon. Pero mabuti at isang bouquet na lang ang dala nito araw-araw. Dahil kung isang truck na naman ’yon, I’m sure ipapa-ban ko na ito sa buong building para sa entrance pa lang ay hindi na ito makakapasok. And mukhang nakakasanayan ko na nga rin itong nangyayari sa akin. Everyday ay lagi na akong naghihintay sa pagdating ni Arn. I hate to say this but, nakakaramdam na ako ng excitement sa puso ko kung ano na naman ang dadalhin ni Arn sa office ko. Kagaya na lang ngayon, it’s already five in the afternoon, pero bumalik na naman ito, samantalang kaninang umaga ay nandito rin ito at naghatid ng bulaklak at pagkain para sa lunch ko.

“What is that, Arn?” tanong ko nang makita ko ang itim na box na bitbit nito. May pink ribbon pa sa ibabaw.

“Snack n’yo po, ma’am. Hindi pa raw po kasi kayo nag-e-snack sabi ni boss.”

I frowned. Huh? How did he know? Malakas ba ang radar ng boss nito para malaman nitong hindi pa ako nagme-meryenda?

Inilapag ni Arn sa ibabaw ng mesa ko ang box na dala nito.

“How did he know?” tanong ko.

Pero nagkibit lamang ito ng mga balikat. “Ewan ko po kay boss, Ma’am Ysolde. Basta inutusan niya lang po ako na maghatid niyan dito sa inyo.”

I let out a deep breath then straightened up in my seat and opened the box he laid on my table. Cookies pala ang laman niyon.

“I’m still wondering kung paano nalalaman ng boss mo kung ano ang mga gusto kong pagkain, Arn,” sabi ko nang kumuha ako ng isang cookies at kumain na. I really love cookies. Kaya nga no’ng nasa college pa ako, nag-aral din akong mag-bake.

“Baka po magkakilala kayo ni boss dati Ma’am Ysolde kaya po alam niya ang mga gusto ninyo.” Anito. “Hindi po kaya isa po siya sa manliligaw ninyo dati tapos binasted po ninyo, tapos ngayon po ulit sumusubok na manligaw sa inyo?”

Napaisip naman ako dahil sa mga sinabi ni Arn. Inalala ko ang mga lalaking nagpalipad hangin sa ’kin simula nang high school ako hanggang sa mag-college. Well, I’m not ugly, and I’m not that pretty too. Sakto lang. Pero confident naman ako sa hitsura ko. And simula nang high school ako until college, hindi ko na rin mabilang kung ilan na ang nagtangkang manligaw sa ’kin. Tanging si Zakh lang ang pinayagan kong manligaw at sinagot ko after. And then, si Hideo. Bigla akong natahimik at napatitig sa kawalan nang sumagi na naman sa isipan ko si Hideo. Ewan ko ba, pero lately talaga ay napapadalas na ang pagbisita niya sa panaginip ko. I mean, hindi lang basta panaginip. But a weird dream. Nagiging routine ko na rin ata na magising ng hating gabi. Pinagpapawisan ako kapag naaalimpungatan ako. At hindi lang din iisang beses na nagising ako na sobrang init ng katawan at pakiramdam ko and... I’m wet down there. Hindi ko maintindihan kung panaginip ba talaga ’yon o totoong nangyayari. Pero ayoko naman maniwala kung sakaling totoo. Hell no! Paano naman ’yon mangyayari e, wala na nga siya?

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now