CHAPTER 29

503 23 3
                                    

NAKAPIKIT ako nang maramdaman kong unti-unting pinakawalan niya ang mga labi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. At sa pagkakataong ito, nakabukas na ang ilaw sa loob ng function hall na ito. Unang bumungad sa paningin ko ay ang mukha ni Hideo. Mataman siyang nakatitig sa mga mata ko. Oh, I knew it. Siya nga! Kilala ko talaga ang perfume niya. Kahit madilim kanina sigurado na akong siya nga ang humila sa kamay ko at dinala ako rito sa loob.

“H-Hideo!” Sambit ko sa pangalan niya.

Nakapulupot pa rin sa baywang ko ang isang braso niya habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa pisngi ko.

Ngumiti siya sa akin.

Oh, I missed that smile. Kahit tumubo na naman ang bigote at balbas sa mukha niya na halatang isang linggo na atang hindi naaahit, but he still damn handsome.

Naramdaman kong humaplos sa pisngi ko ang palad niya.

“Hi,” aniya at pinasadahan ng tingin ang buong mukha ko. “You look even more beautiful tonight.”

Napalunok ako ng laway ko nang maramdaman kong mas lalo niya akong hinapit papunta sa kaniya. I could feel his hard abs, even the hard thing cohere to my belly. Biglang nag-init ang buong mukha ko dahil doon. Gusto ko sana siyang itulak upang lumayo ako sa kaniya, but I have no strength to do that. Instead, I suddenly hugged him tightly. Ramdam kong nagulat siya dahil sa ginawa ko. Pero mayamaya lang ay ipinulupot niya sa katawan ko ang dalawa niyang mga braso at bahagya akong inangat upang mas lalo niya akong mayakap nang mahigpit.

Ah, ngayon pa ba ako mag-iinarte ulit e, isang linggo ko nga siyang namiss at gusto ng makita? Bahala na, Ysolde! Nasa harapan mo na siya ngayon kaya huwag ka ng magpabebe pa.

“I missed you!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin iyon sa kaniya.

Ilang saglit lang ay inilayo niya ako sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at muling sinalubong ang mga mata ko.

“What did you say?” Tanong niya.

Kinagat ko ang pang-ilalim kong labi at bahagyang tumungo upang itago sa kaniya ang namumula kong mukha. Pero hinawakan naman niya ang baba ko at muling inangat ang mukha ko.

He smiled. “What did you say, baby?” Tanong niya ulit.

“I... I said I missed you,” sabi ko na hindi pa magawang tumingin sa kaniya nang diretso.

Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya pagkuwa’y walang paalam na kinabig ang batok ko at muling siniil ng halik ang mga labi ko. Napahawak na lamang ako sa dibdib niya at tumingkayad upang mas lalo pang tumugon sa halik niya.

Ilang sandali na naghinang ang mga labi namin bago ako kusang lumayo sa kaniya upang sumagap ng hangin.

“And I missed you too, baby.” Saad niya at niyakap akong muli.

Hindi ko na napigilan ang mapangiti nang malapad habang nakapilig sa dibdib niya ang mukha ko.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon lamang bago niya ako muling pinakawalan.

“Um, what are you doing here?” Tanong ko sa kaniya.

“I own this hotel kaya nandito ako.”

Biglang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Huh? Siya ang may-ari ng Green Garden Hotel na ito? Isa ito sa pinakamalaki at kilalang Hotel sa buong Maynila. Well, kunsabagay ay hindi naman na nakapagtataka iyon. Mayaman siya at marami siyang negosyo.

“I saw you earlier. At nabangga mo pa ako kanina nang papunta ka sa restroom. I thought you saw me.”

“I-Ikaw ’yon?” Tanong ko. Ewan ko, hindi ko naman nakita ang mukha ng lalaking nakabangga ko kanina. Masakit kasi ang sentido ko kanina kaya nakatungo ako hanggang sa makarating ako sa restroom.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now