CHAPTER 12

546 28 6
                                    

“I’M SORRY KAPATID!”

Hindi ako nag-abalang lingunin si Kuya Cloud nang lapitan ako nito. Nakatayo ako sa gilid ng dalampasigan habang nakatanaw sa malayo, sa madilim na karagatan. Tanging ang maliwanag na buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa parteng iyon ng isla.

Dahil sa inis ko kanina habang naglalakad-lakad sa beach, hindi ko namalayan na nakarating na ako rito sa dulo. Kahit madilim at wala ng masiyadong tao sa parteng ito, hindi na ako nag-isip o nag-alala na baka mapahamak na naman ako kagaya sa nangyari kanina. Lalo pa at ako lang ang mag-isa ang narito kanina.

“Huwag ka ng magalit sa ’min ng Kuya Sky mo. Ginawa lang naman namin ’yon kasi gusto namin na kahit papaano ay hindi na maging mabigat ang pakiramdam mo dahil sa nangyari sa papa mo.”

“Wala kayong balak na sabihin sa ’kin ang totoo?” seryoso pa rin ang mukha at boses ko.

I heard him let out a deep breath.

Mayamaya ay nilingon ko ito. Seryoso pa rin ang tingin ko rito. “Kung hindi ko pa nakita si Hideo kanina, hindi ko malalaman na buhay pa pala siya, kuya. Nagmukha akong tanga. Nagmukha akong katawa-tawa. All these time umiiyak ako, nasasaktan ako kasi wala na siya. Oo galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya kay papa, pero kuya... asawa ko pa rin siya. Karapatan ko pa ring malaman ang totoo. But you lied to me.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaluha na naman ako.

“That is why we’re sorry kasi nagsinungaling kami sa ’yo.”

Mabilis na pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ko. Oh, well, ano pa ang magagawa ko? Nangyari na ang mga nangyari. Wala na akong magagawa.

“Huwag ka ng magalit.”

Naramdaman ko ang palad ni kuya sa likod ko. Masuyo iyong humaplos doon pagkatapos ay hinawakan nito ang balikat ko at kinabig ako papunta sa katawan nito. Wala na akong nagawa kun’di ipilig sa braso nito ang ulo ko.

“Don’t cry.”

“Hindi ko mapigilan, e!” Sabi ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang muli nitong pinakawalan sa ere saka bahagyang ginulo ang buhok ko sa likod.

“Let’s go back to your cottage. Malamig na masiyado ang hangin. And you need to rest. Parang mainit din ang pakiramadam mo.”

Yeah, right. Kanina ko pa nararamdaman na medyo mainit ang pakiramdam ko. Parang lalagnatin pa ata ako. Oh, jeez! Kung kailan nasa bakasyon tuloy kami saka pa ata ako magkakasakit.

Nang akayin na ako ni kuya pabalik sa cottage ay hindi na ako umangal. Hinayaan ko lang ito na nakaakbay sa ’kin at inaalalayan ako sa paglalakad, hanggang sa makarating kami sa cottage ko.

“Magpahinga ka na, okay?”

“Thank you, kuya.” Saad ko saka ako humiga sa kama.

Nang lumabas naman si kuya ay ini-lock na rin nito ang pinto. Dala siguro sa medyo masama ang pakiramdam ko kaya bigla akong nakatulog.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng katok mula sa labas ng cottage ko. Dinig na dinig ko ang boses ni Shiloh.

“Sissy, open the door. We’re here. We have soup for you.”

Nakakairita naman ang ingay ng babaeng ito! Gusto ko pang matulog dahil inaantok pa ako pero kung makakatok naman dinaig pa ang may sunog sa labas.

Kahit natatamad pa akong bumangon ay wala na rin akong nagawa kun’di ang kumilos sa puwesto ko. Saglit akong umupo sa gilid ng kama bago tumayo at naglakad palapit sa pinto. Binuksan ko iyon.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now