CHAPTER 3

679 18 1
                                    

“ARE YOU OKAY?”

Bigla akong nag-angat ng mukha nang marinig ko ang boses ni Jule na pumasok sa opisina ko. Kaagad ko ring itinago sa drawer ko ang box na ibinigay sa ’kin ng kung sinuman iyon.

I cleared my thoart. “Um, y-yeah!” sagot ko at muling nagpakawala nang malalim na paghinga.

Kunot ang noo na tinitigan naman ako ni Jule. Parang hinuhulaan nito kung ano ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Alright! Sa tagal ba naming everyday na magkasama, nakilala na rin namin ni Jule ang isa’t isa.

Naglakad ito palapit sa mesa ko saka umupo sa visitor’s chair. “May problema ba?” asked Jule.

I shook my head. “Nothing,” I replied. “Um, may iniisip lang ako.” Dagdag ko pa.

“Are you sure?”

Pilit naman akong ngumiti ng malapad. “Are you hungry? I think I want to eat something sweet,” sabi ko na lang saka tumayo sa puwesto ko. “Let’s go. Samahan mo na lang akong kumain. Tutal naman at magtatanghali na.” Kinuha ko ang bag ko.

“Ysolde—”

“I’m fine Jule.” Pinutol ko na agad ang pagsasalita nito. I know, hindi na naman ako nito titigilan hanggat hindi ko sinasabi ang iniisip ko ngayon. Mas makulit pa ’to kaysa kay Shiloh, e! “Come on. Or, coffee tayo?”

“Alright! Hindi pa naman ako nagugutom. Coffee na lang muna.” Saad nito at sumunod na rin sa ’kin palabas ng opisina ko.

Hanggang sa makasakay kami sa elevator. I let out a deep sigh again. Nasa isipan ko pa rin ang laman ng box na ipinadala sa ’kin. It was a necklace. Hugis kalahating puso. I don’t know and I have no idea who it came from. Sino naman ang magbibigay niyon sa akin?

“Hoy! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”

Bigla akong napalingon kay Jule nang marinig ko ang boses nito. “H-huh?”

Bumuntong-hininga naman ito at inirapan ako. “Kanina pa ako panay salita rito, pero nasa ibang mundo ka na naman pala.” Anito at ipinag-ikes pa sa tapat ng dibdib ang mga braso nito. “Okay ka lang ba talaga? O baka may problema ka?” tanong nito ulit sa ’kin.

I couldn’t help myself from sighing again and leaning on the side of the elevator. “Someone sent me a box earlier,” sabi ko.

Nagsalubong naman ang mga kilay nito at napatitig sa ’kin. “Box? Ano’ng box? Kanino galing?”

I shrugged my shoulders. “I don’t know kung kanino galing. Walang nakalagay na pangalan, e!”

“Ano ang laman?”

“A necklace.”

“Necklace?”

I nodded and sighed again.

“Sino naman ang magpapadala n’on sa ’yo?”

“Wala akong ideya.”

Nang bumukas ang pinto ng elevator, sabay na rin kaming lumabas doon. Dahil walking distance lang naman ang coffee shop na lagi naming pinupuntahan ni Jule, naglakad na lang kami papunta roon.

“Hindi mo ba tinanong ang nagdala n’on sa office mo kung kanino galing?” tanong ulit ni Jule sa ’kin habang naglalakad na kami sa gilid ng kalsada.

“Hindi na.”

“Dapat tinanong mo kung sino ang nag-utos sa kaniya. Saka, dapat itinapon mo na lang. Baka mamaya niyan, delikado pala ’yon. Or, galing sa masamang tao na nang-i-stalk sa ’yo. Nako, alam naman natin ang mundo ngayon masiyado ng delikado. Hindi natin alam kung sino ang mabuti at masamang tao. Ano’ng malay natin!”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now