CHAPTER 15

619 30 5
                                    

“GIVE me a second.” Saad ko nang makabawi na ako mula sa pagkagulat ko dahil sa kaniya. Dahil sa mga nangyari minutes ago. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya, ngunit ang kabog ng dibdib ko ay mas lalo pang lumalakas habang tumatagal.

Dali-dali akong tumalikod sa kaniya at naglakad palapit sa pinto. Pero bago pa ako makalabas doon ay muli akong napalingon sa kaniya, he was still looking at me. Muli akong tumalikod at binuksan ang pinto at lumabas ako sa conference room.

Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nagparoo’t parito ako nang lakad sa labas.

What the?! Hideo is Mr. Del Campo? Akala ko ba matanda na ang may-ari ng Del Campo company? At ano ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon? Why all of the sudden he wanted to talk to me? Tungkol ba sa kumpanya, or may kailangan pa siyang iba?

Habang sari-saring emosyon at katanungan ang naglalaro ngayon sa isipan ko, bigla akong napahinto sa paglalakad ko nang sumagi sa isipan ko ang mga documents na nabasa ko kanina about Del Campo company.

Wala sa sariling napatutop ako sa bibig ko.

“Oh, my God! Hindi kaya, he wants to take over the Latorre Vino? Kasi, ang Del Campo company na ang may mas malaking shares of stock dito sa company ni papa.” Sunod-sunod agad akong napailing dahil sa ideyang iyon na pumasok sa isipan ko. “No! Hindi ako papayag! Hindi puwede kung iyon man ang gusto niyang mangyari.” Muli akong naglakad palapit sa pinto ng conference room, pero bago ako pumasok doon ulit, isang malalim na paghinga ang muli kong pinakawalan sa ere para lang tanggalin ang bolang nakabara sa lalamunan ko maging ang malakas na pagtahip ng puso ko.

Nang buksan ko na ang pinto, muli ko siyang nakita na nakaupo na sa gilid ng mahabang mesa. Nakapamulsa pa siya habang nakayuko. Pero nang marinig niya ang pagtikhim ko ulit, nag-angat siya ng mukha.

Oh, my holy lordy! Bakit ang guwapo niya? I mean, mas lalo siyang guwapo ngayon sa paningin ko. Lalo na sa hitsura niya ngayon. I think tama ang narinig kong sinabi ng mga empleyado ko kanina. Para nga talaga siyang hari na bumaba sa trono niya. He’s so goddamn hot and at the same time he’s so sexy.

“So, can we start our meeting?” tanong niya.

Napakurap-kurap naman ako para bumalik ako nang husto sa sarili ko. Kahit nangangatog pa rin ang mga tuhod ko, nagtaas ako ng noo at naglakad na palapit sa mesa. Umikot ako sa kabilang ibayo, ayokong magkalapit kami.

“Ano ang pag-uusapan natin?” Seryosong tanong ko sa kaniya.

“Well,” umalis siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa. Inayos niya ulit ang kaniyang coat na suot saka muling bumalik sa puwesto niya kanina. “We need to talk about the shares of Del Campo company here in Latorre Vino.”

Yeah, right! I knew it. Ito nga talaga ang pakay niya. But hell, hindi talaga ako papayag sa kung anuman ang mga gusto niyang mangyari na pag-uusapan namin ngayon. Si papa ang nagtayo ng kumpanyang ito kaya walang may ibang puwedeng kumuha nito sa ’kin.

“I guess, awear ka na siguro about sa shares ng Del Campo company rito sa Latorre Vino, since isang taon ka ng acting CEO ng kumpanyang ito.”

“Yeah. And I reviewed again the files of Del Campo company. And I found out earlier, na kaya mas malaki na ang shares ng kumpanya mo rito sa Latorre Vino, it’s because you bought the shares of three investors na nag-back out dito sa company dahil sa akala nilang nalulugi na ito dahil sa kasalanan at pagnanakaw ni Zakh dati.” Saad ko sa kaniya habang seryoso ang mukha kong nakatitig sa kaniya. God knows kung gaano ko kagustong mag-iwas sa kaniya ng tingin dahil pakiramdam ko nahihipnotismo lang ako sa mga titig niya just like before, pakiramdam ko nanghihina na naman ang mga tuhod at kalamnan ko kahit nakaupo naman na ako. Pero ayokong magpatalo sa kaniya. Instead, I raise my left eyebrow and I let out a deep sigh.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now