CHAPTER 50

416 16 0
                                    

“I SAID GET OUT, HIDEO!” Naiinis na saad ko at nagbaling ng tingin sa pinto ng kuwarto naming mag-asawa. Nakakainis kasi at kanina pa panay ang katok ni Hideo sa labas ng silid! Hindi ba siya marunong makaintindi na ayaw kong makita ang mukha niya ngayon? “I don’t—” bigla akong natigilan nang makita kong si Kuya Ulap pala ang nakasilip sa may pinto. Ang akala ko ay si Hideo na naman. Nangunot ang noo ko nang makita ko itong nakangiti nang malapad sa akin. “Kuya?”

“Hey, kapatid! Did I disturb you? Can I come in?” tanong ni kuya.

Kumilos ako sa puwesto ko para umupo sa ibabaw ng kama. “Sure. Come in, Kuya,” sagot ko. “Why? May kailangan ka ba?” tanong ko pa.

Naglakad naman ito palapit sa kama at umupo siya sa gilid. “Um, where is Hideo?” tanong nito.

“Nasa guest room. Doon ko siya pinapatulog ngayon kasi ayokong makita ang mukha niya.”

“Why?”

Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga saka ako sumandal sa headboard ng kama. “Ayokong makita siya. Naaalibadbaran ako sa mukha niya. Naiinis ako sa kaniya. Ang sabi ni Manay sa akin kanina, baka raw siya ang isa sa pinaglilihian ko kaya ganito ang nararamdaman ko sa kaniya ngayon. Naiirita ako sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa na ikaiinis ko sa kaniya.”

Bigla namang ngumiti si kuya. Ngiti na parang may kalokohan na namang naiisip.

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Why?” nagtatakang tanong ko pa ulit.

Mabilis naman itong umalis sa kaniyang puwesto at lumapit sa akin.

“I have question for you, kapatid.”

“Q-Question?” tanong ko. “What... What kind of question?”

“Gusto mo bang hindi ka na mainis sa asawa mo?”

“Of course,” mabilis na sagot ko.

Of course gusto ko. E, naaawa nga ako sa asawa ko kasi naiinis ako sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Gusto niyang tumabi sa akin sa pagtulog. Gusto niyang maglambing sa akin kagaya dati, pero hindi niya naman magawa dahil nga naiinis ako sa kaniya. Ayoko ring lumalapit siya sa akin kahit isang dipa lang.

“May alam akong paraan para hindi ka na mainis kay Hideo.”

“Really?” biglang nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni kuya. “H-How? Paano, Kuya?” excited pang tanong ko.

Dumukwang ito palapit sa akin at bumulong. Bakit kailangan pang bumulong e, kami lang naman dalawa ang nandito sa kuwarto?

Mayamaya ay muling nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya.

“Iyon lang ang kailangan kong gawin para hindi na ako mainis sa asawa ko?” tanong ko nang lumayo sa akin si kuya.

Tumango naman ito. “Yeah.”

“How did you know about that?”

“My acquaintance told me.”

Ilang saglit na tinitigan ko nang mataman si kuya. Hindi nga? Kailangan ko lang hakbangan si Hideo para mawala ang pagkainis ko sa asawa ko? Is it effective? Ngayon ko lang kasi narinig ’yon. Sabagay, ngayon lang naman ako nagbuntis. Um, alright! Why not to try?! Wala naman siguro may masama o mawawala kung susubukan kong gawin. Baka nga effective e ’di hindi na ako maiinis sa asawa ko. Makakatabi ko na siyang matulog sa gabi.

“If you don’t believe me... Then—”

“It’s not like that kuya,” sabi ko. “Okay. I’ll try. Para... Mawala na rin ang pagkainis ko sa asawa ko. Nakakaawa naman kasi siya, e!” dagdag na saad ko pa.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now