CHAPTER 10

581 31 7
                                    

WHEN Arn and I got to the Bar, kaagad kong inilibot sa buong paligid ang aking paningin. Wala naman akong makita na familiar na mukha na naroon. At lahat ng tao roon ay busy sa pakikipag-usap sa mga kasama nila, sa mga partners nila. I let out a deep sigh at nagpasya na ring maglakad palapit sa nag-iisang available na high chair na naroon sa gilid ng bar counter. Pero hindi pa man ako nakakarating doon ay may nakabangga akong lalaki na nakasuot ng dark blue swim trunk at may suot na itim na ray-ban. May nahulog na kung ano sa buhangin na siyang dahilan ng pagyuko niya.

“Oh, I’m sorry,” sabi ko sa lalaki.

“I’m sorry, baby.” Anito at kaagad na naglakad palayo sa ’kin.

Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Napatitig ako sa lalaking ngayon ay papalayo na sa kinatatayuan ko.

“H-hideo?” mahinang sambit ko. Oh, God! I can’t be wrong. It’s... it’s him. “H-hideo—”

“Ma’am Ysolde!”

Bigla namang sumulpot sa harapan ko si Arn habang dala nito ang isang baso ng fresh pineapple juice.

“Ito na po ang juice ninyo, ma’am.” Nakangiting saad pa nito sa akin.

Hindi ko ito pinansin at muli akong napatingin sa unahan ko kung saan naglalakad kanina si Hideo. But he wasn’t there anymore. He wasn’t there? O baka naman wala talaga roon si Hideo at nag-hallucinate lang ako kanina? Baka inakala ko lang na siya iyon?

“Sino... sino po ang tinitingnan ninyo, Ma’am Ysolde?” tanong ni Arn na sinundan na rin ang tingin ko.

Banayad ngunit malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang tumingin ako kay Arn. Tipid akong ngumiti rito. “N-nothing,” sabi ko. “That’s my juice?” tanong ko na lang.

Muli rin naman itong ngumiti sa ’kin. “Yes po, Ma’am Ysolde. Fresh pineapple juice po kagaya sa gusto ninyo.”

“Thank you, Arn.” Saka ako naglakad na palayo sa bar na iyon. Hindi na ako nagtuloy na umupo roon. Sumunod naman sa akin si Arn. “Where are you going?” tanong ko rito nang balingan ko ito ng tingin.

“Sasamahan ko na po muna kayo, Ma’am Ysolde.”

“Why?” kunot ang noo na tanong ko.

Nakangiting nagkamot naman ito sa ulo. “Gusto ko lang po ma’am.” Anito. “E, wala naman po akong gagawin ngayon. Saka para po mabantayan ko po kayo.”

“From who?”

Tumingin naman ito sa malayo. Sinundan ko rin ang tingin ni Arn. Nasa direksyon ko na naman nakatingin ang apat na lalaking kanina lang ay nakatingin din sa akin.

“Baka po mabastos kayo ng apat na kotong lupa na ’yon, Ma’am Ysolde. Kaya po sasamahan na muna kita habang busy po sina Ma’am Jule sa dagat.”

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa mga sinabi ni Arn. “Oh, you’re so sweet, Arn!” Sabi ko.

“Nako po, sana lang huwag marinig ni sir Hideo ang sinabi ninyo. Baka po tamaan ako ng kamao n’on.”

My forehead furrowed when I heard him whisper and I could not understand what he was saying. “What did you say, Arn?” tanong ko rito.

Umiling naman ito at ngumiti ulit ng mas malapad. “Wala po ma’am. Ang sabi ko po, tara doon po tayo sa malapit sa dagat. Mas maganda po roon.”

Wala naman akong nagawa kun’di ang mapasunod dito at nagtungo nga kami malapit sa dagat.

“Arnulfo, nandito ka rin?” gulat na tanong ni Jule nang umahon ito sa dagat at maglakad palapit sa amin.

“Hi, Ma’am Jule!” Bati nito sa kaibigan ko. “Ang liit talaga ng mundo ano? Akalain mong magkikita rin tayo rito?”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now