CHAPTER 22

564 21 4
                                    

NAKAPIKIT ako at nakakulong sa mga palad niya ang mukha ko habang banayad pa rin niyang inaangkin ang mga labi ko. Mayamaya ay pinakawalan niya ako. Dahan-dahan naman akong nagmulat ng mga mata ko, only to see him staring at me intently.

Tipid siyang ngumiti sa akin at hinagkan ang noo ko.

Oh, Hideo! Why are you doing this to me? Huwag mo namang pahirapan ang puso ko! I want you in my life again, I really do. Pero hindi puwede! Paghuhumiyaw ng puso ko habang nakatitig ako sa kaniya.

“Let’s go.” Mayamaya ay saad niya at binitawan ang mukha ko.

Ang akala ko pa ay mauuna na siyang lalabas ng elevator nang bumukas ang pinto niyon at iiwanan niya ako roon. Pero taliwas naman ang nangyari. He held my hand at hinila na niya ako palabas doon.

Magkasalikop ang mga palad namin habang naglalakad kami sa lobby, hanggang sa makalabas kami ng building.

Nakatingin lamang ako sa kaniya. Halo-halo ang emosyong nararamdam ko sa mga sandaling ito. Pero sa puso ko, I know that I’m happy right now. Napupuno ng kaligayahan at pagmamahal ang puso ko sa mga sandaling ito dahil sa mga nangyari sa amin kani-kanina lang; dahil sa halik na pinagsaluhan namin. I won’t deny it to myself, ngayon ako labis nangulila sa mga halik niya sa akin. Ang halik na pinagsaluhan namin kanina ay kakaiba. Iba kumpara sa mga halik na minsan na naming pinagsaluhan isang taon na ang nakalilipas. And through his kisses, parang pakiramdam ko pareho lamang ang nararamdaman ng mga puso namin ngayon. Pareho kaming nangungulila sa isa’t isa.

Wala sa sariling napangiti ako habang nakatitig pa rin sa naka-side view niyang mukha.

Mayamaya, bigla akong natigilan nang makita kong palapit kami sa kotse niya.

“Wait,” sabi ko sa kaniya at hinigit ang kamay ko na hawak niya.

Lumingon naman siya sa akin. “Why?”

Saglit kong ipinagpalipat-lipat ang paningin ko sa kaniya at sa sasakyan niya. “I... I have my own car and—”

“I know.” Mabilis na saad niya. “But I’ll drive you home.”

“No need. I can drive myself,” sabi ko. “Thank you.” Tatalikod na sana ako sa kaniya para maglakad papunta sa kotse ko, pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at hinigit niya ako pabalik sa kaniya. Sa gulat ko dahil sa kaniyang ginawa, bigla akong napahawak sa tapat ng kaniyang dibdib at muntikan na namang maglapat ang mga labi namin.

Napalunok na lamang ako ng laway ko nang tumitig ako sa mga mata niya.

“I said I’ll drive you home, baby.” Aniya.

Napapikit pa ako nang tumama sa ilong ko ang amoy mint niyang hininga. Nang maramdaman kong bahagya na siyang lumayo sa ’kin mayamaya... muli akong nagmulat ng mga mata.

“Come on.” Aniya at binuksan na niya ang pinto sa front seat at inalalayan niya akong makasakay roon.

Wala na akong nagawa nang maisarado niya ang pinto sa tabi ko at umikot na rin siya papunta sa drivers seat at sumakay roon.

Banayad na lamang akong nagpakawala nang buntong-hininga at itinuon sa labas ng bintana ang paningin ko. Thank God at hindi naman siya nagsalita at nangulit sa akin. Naging tahimik lamang ang buong biyahe namin hanggang sa makarating sa tapat ng bahay ko ang kotse niya.

Tinanggal ko ang suot kong seatbelt ’tsaka siya nilingon. And he was staring at me again. “Thank you!” tipid na sabi ko at hinawakan na rin ang door handle na nasa tabi ko.

“Ysolde!”

“Yes—”

Nang pagkalingon ko sa kaniya, bigla niyang kinabig ang batok ko at muli niyang inangkin ang mga labi ko. Ilang saglit lang ’yon... pero ang kabog ng puso ko ay hayon na naman. Tumindi na naman.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now