CHAPTER 19

513 27 5
                                    

“MAYA!” tawag ko sa secretary ko habang naglalakad ako palapit sa table nito. Kagagaling ko lang sa wearhouse at tiningnan ko roon ang mga wine na bagong dating. Magkakaroon kasi ng annual party ang isang kumpanya na pag-aari ng kaibigan ni papa. Sa Latorre Vino ito nag-order ng wine na gagamitin sa party na iyon. At dahil close friend naman sila ng papa ay ako na mismo ang personal na nag-asikaso tungkol doon.

“Yes po, Ma’am Ysolde?” kaagad naman itong tumayo sa puwesto nito at sinalubong ako.

“Paki-cancel mo nga muna ang meeting ko kay Handa this afternoon. Tell her na mayroon lang akong importanteng tatapusin na trabaho.” Nagtuloy na rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas ng office ko.

“Okay po ma’am. ’Yong lang po ba ang ipag-uutos ninyo?”

Tumango naman ako at ngumiti. “Yeah. Thank you! And, mag-lunch ka na rin. It’s already twelve noon.” Saad ko pa bago ko pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto at pumasok na sa opisina ko.

Napalingon pa ako sa opisina ni Hideo habang naglalakad ako palapit sa mesa ko. And there, I saw him na may kausap sa cellphone niya habang nakatayo si gilid ng bintana niya at nakatanaw sa labas. Nangunot pa ang noo ko nang titigan ko ang naka-side view niyang mukha. He was serious in these moments. Bigla ko tuloy naalala ang hitsura niya no’ng una ko pa lang siyang nakasama sa isla. Ganoon na ganoon ang mukha niya ngayon.

I heaved a deep sigh at umupo na rin sa swivel chair ko. Binuksan ko ang folder na bitbit ko kanina at binasa ang mga files na naroon. Pero mayamaya, hindi ko napigilan na mapatingin ulit sa kabilang office.

Who is he talking with right now? Bakit parang galit ata siya?

Bigla naman siyang napalingon sa direksyon ko. Huli na nang makapagbawi ako ng tingin kaya nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

Muli akong napabuntong-hininga nang malalim at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa binabasa ko.

Ewan ko ba sa sarili ko... parang may boses sa tapat ng tainga ko ang nagsasabi sa akin na muli ko siyang tingnan. Kahit ayoko mang gawin dahil baka mahuli na naman niya akong nakatingin sa kaniya, but in the end, muli akong nag-angat ng mukha at tiningnan siya uli. Nakaupo na pala siya sa tapat ng lamesa niya at kaharap na niya ang laptop niya. But still, seryoso pa rin ang kaniyang mukha.

Mayamaya, nag-angat din siya ng mukha at tumingin din sa akin. Sa pangalawang pagkakataon, he caught me staring at him. But this time, he smiled at me sweetly bago muling ibinalik ang kaniyang atensyon sa monitor ng kaniyang laptop.

“Ah, ano ba itong ginagawa mo Ysolde? Akala ko ba naiinis ka sa kaniya, pero bakit panay ang tingin mo sa kaniya?” naiinis na tanong ko sa sarili ko pagkatapos ay muling itinuloy na rin ang trabahong ginagawa ko.

Abala na ako sa trabaho ko nang makarinig naman ako ng katok mula sa labas ng pinto.

“Yes come in,” sabi ko.

Bumukas naman iyon at pumasok si Arn.

Wala sa sariling napangiti ako nang makita kong may bitbit siyang paper bag. Alright, I’m expecting that it was my lunch. Tama nga si Jule, nasanay na ako na laging dumadating si Arn sa office ko para dalhan ako ng lunch kaya hindi na ako lumalabas para kumain.

“Good afternoon po, Ma’am Ysolde!” nakangiting bati sa akin ni Arn at naglakad ito palapit sa mesa ko.

“Hi Arn!”

“Sorry po at late ako ng limang minuto, medyo traffic po kasi, e!” Saad pa nito.

Ngumiti ako nang malapad. “Oh, that’s okay.”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now