CHAPTER 16

527 28 8
                                    

“GOOD MORNING PO MA’AM YSOLDE!”

“Good morning!” Nakangiti ako habang binabati rin ang mga empleyado ko na nakakasalubong at nakakasabay ko sa lobby, hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ng elevator.

“Good morning po, Ma’am Ysolde!”

“Good morning!” Bati ko ulit at pinauna ako ng mga empleyado ko na sumakay sa elevator nang bumukas ang pinto niyon.

Hanggang sa makaakyat ako sa palapag ng building kung nasaan ang opisina ko. “Maya, please give me a cup of coffee.” Nang dumaan ako sa table nito. Kaagad naman itong tumayo sa puwesto nito at tumalima. Pagkapasok ko sa office ko ay kaagad akong pumuwesto sa swivel chair ko at binuksan ang laptop ko at kaagad na nagsimula sa trabaho ko.

“Here’s your coffee po, Ma’am Ysolde.” Mayamaya nang pumasok si Maya.

“Thank you, Maya.”

“Um, ma’am... hindi po ba papasok ngayon si Ma’am Jule?” Tanong pa nito sa ’kin habang nakatayo pa rin ito sa tapat ng mesa ko.

“Nagpaalam siya sa ’kin kagabi na hindi na muna siya papasok ng tatlong araw. May out of town lakad kasi sila ni kuya.” Sagot ko. “Why?” Pagkatapos ay humigop ako sa tasa ng kape ko habang mainit-init pa iyon.

“Ah, hindi naman po importante ma’am. E, dumating po kasi ang order niya sa akin no’ng isang araw. Dala ko po at ibibigay ko po sana sa kaniya.”

“Magkano ba ang babayaran niya? Ako na muna ang magbabayad sa ’yo.”

“Okay lang po ba sa inyo, ma’am?”

Nag-angat ako ng tingin at ngumiti rito. “Ibigay mo na lang sa ’kin mamaya at ako na ang magbabayad.”

“Sige po ma’am. Thank you!” ’tsaka ito tumalikod at lumabas na ulit sa office ko.

Muli akong naging busy sa trabaho ko. Naagaw lang ang atensyon ko mayamaya nang makarinig ako ng ingay sa labas ng office ko. Kunot ang noo na napatitig ako saglit sa nakasaradong pinto. Pagkatapos ay pinindot ko ang intercom na nasa gilid ng mesa ko para papasukin si Maya at itanong dito kung ano ang nagaganap sa labas.

“Maya, come in please!”

Pero nakailang tawag na ako ay hindi pa rin ito pumapasok sa office ko. Kaya sa huli ay napilitan na lang akong tumayo sa puwesto ko. Pagkabukas ko pa lang sa pinto ng office ko ay kaagad na bumungad sa akin ang mga empleyado ko na nagkukumpulan at mga nag-iingay. Parang mga kinikilig pa.

“What is happening here?” Seryoso ang mukha na tanong ko para agawin ang atensyon ng lahat. At hindi naman ako nabigo. Kaagad silang nanahimik at nagsialisan sa harapan ko. Mabilis na bumalik ang iba sa mga puwesto nila. And to my surprise, I saw Hideo standing in front of my employees. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang magtama ang mga paningin namin. What is he doing here?

Mabilis din namang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya. “Hi Ms. Latorre! Good morning!” Bati niya sa akin.

“What are you doing here?” Seryoso pa rin ang mukha ko habang nakatitig sa kaniya.

“Well,” aniya at naglakad palapit sa kinatatayuan ko.

Oh, damn it! Heto na naman ang panglalambot ng mga tuhod ko habang papalapit siya nang papalapit sa akin. Simula pa man, ganito na talaga ang epekto sa akin ni Hideo. Na kahit wala naman siyang ginagawa na ikapanghihina ng mga tuhod ko, na magiging dahilan upang kumabog nang husto ang puso ko... awtomatik iyon ang nararamdaman ko kahit makita ko lamang siya mula sa malayo. Ang presensya pa lamang niya ay malaking dahilan na para magulo ang buong sistema ko. God, ganito nga talaga ata kapag mahal mo ang isang tao. At kahit pinipilit kong magalit sa kaniya dahil sa kasalanan niya, but still, in the end of the day... puso ko pa rin ang nagpapasya at nasusunod na huwag magalit sa kaniya dahil mahal ko naman siya. Kahit maggalit-galitan man ako kapag kaharap ko siya, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila nang mga nangyari.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now