CHAPTER 7

599 23 2
                                    

“GOOD MORNING SIR!” Malambing na bati kay Hideo ng kaniyang secretary habang naglalakad na siya papunta sa kaniyang opisina.

Tumango naman siya rito habang seryoso pa rin ang kaniyang mukha. “What’s my schedule for today, Ana?” tanong niya na hindi manlang tumigil sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa kaniyang opisina.

Kaagad namang napasunod sa kaniya ang babae habang binubuksan nito ang notepad na yakap-yakap nito kanina.

“Um, signing contract po this morning and before lunch you have a meeting with Mr. Honduras and Mr. Octavio Ildefonso. This afternoon naman po is may meeting din po kayo with Señor Antonio—”

“Didn’t I tell you to cancel that meeting with Antonio?” magkasalubong ang mga kilay na sabi niya rito at umupo siya sa kaniyang swivel chair.

Señor Antonio Colombo is his father. He was twelve years old nang umalis siya sa poder nito para sumama sa kaniyang mama na hiniwalayan ng kaniyang papa para makipagbalikan sa dati nitong asawa. Yes. Second family lang sila ng papa niya. Ayaw niya kasing tumira sa bahay nito kasama ang anak nito sa unang asawa, kaya nagdesisyon siyang umalis na lamang at sumama sa kaniyang ina. He was fiften years old when his mother died because of a car accident. And that’s because of Bernard. Bukod sa nagkaroon ng malaking utang na salapi sa kaniya ang ama ni Ysolde, isa sa kaniyang dahilan kung bakit malaki ang galit niya sa namayapang si Bernard, dahil ito ang naging dahilan kung bakit nawala ang kaniyang mama. Simula noon, ang kaniyang abuelo na ang kumupkop sa kaniya. Ang kaniyang lolo Matias ang nagpa-aral sa kaniya hanggang sa makatapos siya sa kolehiyo. Kung anuman ang mga natutunan niya sa buhay, iyon ay dahil sa kaniyang lolo. Ito ang nagturo sa kaniya kung paano magpatakbo ng negosyo, kung paano humawak ng salapi, kung paano makihalubilo sa mga taong tinitingala sa industriya ng negosyo. Nang pumanaw ang kaniyang abuelo ay sa kaniya ipinamana ang lahat ng ari-arian at negosyo ng matanda. Well, he’s the only grandchild.

“I’m sorry po sir, pero... sinabi ko na po kay Señor Antonio no’ng nakaraan na ayaw n’yo pong makipagkita sa kaniya, pero nagalit lang po ang papa ninyo. He wanted to talk to you raw po.” Saad nito.

Malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan sa ere saka isinuot ang kaniyang salamin at binuksan ang kaniyang laptop. “Cancel that meeting, Ana. And next time, don’t even accept his appointment with me.” Seryosong sabi niya rito.

Tumango naman ang babae. “Okay po sir.” Sagot nito. “Um, do you need anything else sir?” tanong pa nito.

“Give me a cup of coffee.”

“Alright Sir Hideo.” At saka ito lumabas sa kaniyang opisina.

“Hideo!”

Kunot ang noo na bigla siyang nag-angat ng mukha nang mayamaya ay muling bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at may babaeng pumasok doon.

“Hi!” malapad pa ang ngiti sa mga labi ng babae nang maglakad ito palapit sa kaniya.

“Marga! What are you doing here?” kunot ang noo na tanong niya sa babae. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito ngayon sa kaniyang opisina, ang pagdating nito sa Pilipinas.

“What kind of question is that babe?” sa halip ay balik na tanong ng babae habang may malapad pa ring ngiti sa mga labi nito. “Aren’t you happy to see me now? I mean, it’s been two weeks simula nang umalis ka sa Cuba at hindi na tayo nagkikita. Two weeks mo na ring ini-ignore ang mga calls and texts ko sa ’yo.” Dagdag na sabi pa nito.

Marga is not his girlfriend. Pero kung umasta ito sa kaniya simula nang may mangyari sa kanilang dalawa, para na itong girlfriend niya. Alright! Simula nang maging okay na ang kondisyon niya pagkagising niya mula sa limang buwan na pagkaka-comatose niya, he do one night stand again with random girls he met in bars. Oh, God! He’s just a human. Nakakaramdam din siya ng init sa katawan. Alam niyang kasalanan kasi may asawa na siya, pero para maibsan ang init na kaniyang nararamdaman... he had to find a woman he could take to his bed. And Marga was one of them. He met her at a bar in Cuba, two months ago. She’s just a fling, alam nito umpisa pa lamang. Dahil lagi niyang nililinaw sa mga babaeng ikinakama niya na wala itong hahabulin sa kaniya dahil kasal na siya. Pero lately, bago siya umuwi sa Pilipinas, lagi na itong nagde-demand sa kaniya. That’s why he ignores her calls and text messages to him. At ngayon, hindi niya inaasahan na uuwi rin ito ng Pilipinas para sundan siya!

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now