CHAPTER 11

544 27 8
                                    

“HIDEO!” muling sambit ko sa pangalan niya habang nag-uumpisa ng manlabo ang panigin ko dahil sa nag-babadyang mga luha sa mata ko. Ewan, pero hindi na ako nakakilos sa puwesto ko. Nakatitig lamang ako sa mukha niya. Hindi ko rin magawang kumurap dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko. Is this real? Totoo nga bang nasa harapan ko siya ngayon? How come? Paanong nangyari na nasa harapan ko siya ngayon? Hideo was dead. Imposibleng nasa harapan ko siya ngayon at iniligtas niya ako sa mga lalaking nambastos sa ’kin.

I wanted to walk closer to him to make sure if he was real. Pero hindi ko naman magawang kumilos sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Feeling ko isang galaw ko lang ay matutumba ako sa buhanginan.

Mayamaya ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Bigla ring umikot ang paningin ko. Hanggang sa unti-unti ng nanlabo ang paningin ko, nanlamig lalo ang mga palad ko. Ramdam kong babagsak ako anumang sandaling.

“H-hideo!”

“Ysolde. Baby!”

Hanggang sa nagdilim na ang paningin ko at nawalan na ako ng lakas. Pero bago pa man ako bumagsak sa buhanginan, bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko ang matigas na mga brasong biglang sumalo sa kaniya.

“Ysolde! Ysolde!”

***

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mga matang nakatitig sa ’kin. Bahagya akong kumilos sa puwesto ko at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Unang bumungad sa paningin ko ay ang kulay puting kisame at malaking ceiling fan na may chandelier sa gitna. Nangunot pa ang noo ko nang ma-realize kong wala ako sa cottage ko sa mga sandaling ito. Dahil sa kabang biglang sumibol sa puso ko nang maalala ko ang dalawang lalaki na nambastos sa ’kin... bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ko sa malambot na kama.

“You’re awake.”

Napalingon naman ako sa gawing kanan ko nang marinig ko roon ang pamilyar na boses. Nang una ay magkasalubong ang mga kilay ko nang makita kong naroon si Hideo at prenteng nakaupo sa single couch habang nakadikuwatro siya at may hawak na rock glass at may lamang alak. Pero habang tumatagal na nakatitig ako sa kaniya, unti-unti ring nanlalaki ang mga mata ko habang nare-realize kong naroon nga siya at hindi ako nagha-hallucinate lamang.

Oh, God! He’s real? Napatutop ako sa bibig ko habang nanlalaki pa rin ang mga matang nakatitig sa kaniya.

“Para ka namang nakakita ng multo dahil sa hitsura mo.”

“M-multo ka?” tanging lumabas sa bibig ko.

I saw him smile then chuckled. “May multo bang kaya kang buhatin para dalhin dito sa silid ko, Ysolde?” tanong niya.

Mabilis na muli kong inilibot sa buong silid ang aking paningin. Kuwarto niya ito? Nasaan na ako ngayon? Nasa isla Ildefonso pa ba o baka—

“Are you kay now?”

Muli akong napatingin sa kaniya nang marinig ko ang tanong niya. Hindi ko naman siya sinagot sa halip ay muli akong napatitig sa kaniya. I still can’t believe he’s here and I can talk to him. Tumagal ata ng halos limang minuto na nakatitig lamang ako sa kaniya, even him. Hindi siya kumukurap.

“I... I thought you were dead!” Sambit ko at biglang naalala ang mga nangyari noon. I know, kitang-kita ko ang buong nangyari noon. Zakh shot him, at nasa mga bisig ko siya nang bawian siya ng kaniyang buhay. And my kuyas told me that he was dead. Pero paano ang nangyari at nandito siya ngayon sa harapan ko? Buhay na buhay siya.

Nagpakawala naman siya nang malalim na buntong-hininga pagkuwa’y dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang baso at sumimsim doon.

“What happened to you, Hideo? Ang buong akala ko ay wala ka na.”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now