CHAPTER 17

540 27 6
                                    

“OKAY lang po ba kayo, Ma’am Ysolde?”

Tanong sa ’kin ni Maya nang pumasok ito sa office ko. Nagpaparoo’t parito pa rin ang lakad ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. Ang lakas pa rin nang kabog ng puso ko dahil sa kawalang-hiyaan ni Hideo. Kanina pa natapos ang pag-uusap namin tungkol sa pagtatrabaho niya rito sa Latorre Vino, pero hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kaniya. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin sa isipan ko ang ginawa niya kanina. Ramdam ko pa rin ang pagkapahiya ko dahil sa akala kong hahalikan niya ako.

I let out another deep sigh.

“Water po ma’am.”

Kaagad kong kinuha sa kamay ni Maya ang baso ng tubig na binibigay nito sa akin. Halos maubos ko pa ang laman niyon dahil sa stress na nararamdaman ko ngayon.

“Thank you, Maya!” Sabi ko at inilapag sa mesa ko ang baso. “Um, w-where is Mr. Del Campo?” hindi ko mapigilang tanong sa kaniya.

“Um—”

Pero hindi pa man nakakapagsalita si Maya para sagutin ang tanong ko, biglang umangat ang venetian blinds na nakasarado sa kabilang opisina. Dahil tanging makapal na salamin lamang ang pumapagitna sa office na iyon pati sa office ko, kitang-kita ko na naroon si Hideo. Nakatingin pa siya sa akin nang tuluyan niyang maiangat ang venetian blinds.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. “What... what is he doing there?” tanong ko kay Maya habang hindi ko pa rin inaalis ang seryosong paningin kay Hideo na ngayon ay nakangiti na sa akin. Kumindat pa ito bago tumalikod at naglakad palapit sa mesa.

“Um, iyan daw po ang magiging office ni Sir Hideo starting today, ma’am.” Sagot nito.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Maya. Napatingin pa ako rito. “What? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?” tanong ko pa.

“E, ma’am kahapon lang po ’yan pinalinis sa janitor at pinaayos sa isang staff. At hindi naman po namin alam na si Sir Hideo po pala ang gagamit sa dating office ni Mr. Brazil.” Paliwanag ni Maya sa akin.

Muli akong napatingin sa kabilang office. May kausap na sa cellphone niya si Hideo. Malaki pa ang pagkakangiti.

“May iuutos pa po ba kayo sa akin, ma’am?”

Saglit pa akong tumitig kay Hideo bago ako naglakad papunta sa swivel chair ko at umupo roon. “Wala na Maya. Thank you!”

“Okay po, ma’am.” ’Tsaka ito lumabas ng office ko.

Nananadya talaga sa ’kin si Hideo! In all the offices here at Latorre Vino, bakit ang office na ’yon pa ang kinuha niya para gamitin niya?

Muli akong napabuntong-hininga nang malalim.

Mayamaya ay nakita ko namang tumayo si Hideo sa puwesto niya at naglakad palapit sa pinto. Nagulat pa ako nang pumasok naman siya sa office ko.

“What are you doing here?” tanong ko.

“I need to talk to you.”

“We’re done talking earlier, Hideo.” Seryoso ang mukha na saad ko sa kaniya ’tsaka mabilis na nag-iwas ng tingin. Itinuon ko sa monitor ng laptop ko ang aking paningin. “As you can see, I’m busy.”

“I know you’re not busy,” aniya at umupo sa visitor’s chair ko.

Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. “Hideo—”

“I need secretary.” Aniya kaya naputol ang pagsasalita ko.

Napatitig naman ako sa kaniya. Mayamaya ay muli akong napabuntong-hininga nang malalim. “Alright. You can have Maya as your secretary—”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now