CHAPTER 48

374 17 0
                                    

“HEY, WIFE!” Maingat na iniangat ni Hideo ang ulo ni Ysolde at ipinatong niya iyon sa kaniyang braso habang masuyo niya ring hinaplos ang pisngi ng asawa.

Bahagyang nagmulat ng mga mata si Ysolde at tumitig sa kaniya, ngunit ilang saglit lang din ay muli itong pumikit. Mapait na ngumiti si Hideo at hinalikan sa noo ang asawa.

“You’re safe, wife. You’re safe,” aniya. Pagkatapos ay niyakap ito nang mahigpit. Ngayon, kahit papaano ay nawala na ang takot at pangamba sa kaniyang puso para sa kaniyang asawa. Labis din siyang nagpapasalamat kay Guilherme at Giuseppe dahil sa pagtulong ng dalawa na mailigtas ang kaniyang asawa. Muli niyang hinalikan ang noo ni Ysolde pagkatapos ay binalingan niya ng tingin ang tiyan nito at hinaplos niya iyon. “How are you, buddy?” tanong niya.

Nangunot naman ang noo ni Giuseppe habang nakatingin ito kay Hideo. “Is... Is she pregnant?”

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan sa ere pagkuwa’y tumango siya. “Yeah! She’s one month pregnant.”

“Oh, God!” Nasambit ni Giuseppe at napahagod pa ito sa buhok hanggang sa batok nito. “Damn that Damiano. Mabuti na lang pala at hindi tayo nahuli sa pagligtas kay Ysolde.” Ani nito.

He’s right. Dahil kung nahuli sila at nalagay pa sa mas pananganib ang buhay ng mag-ina niya... Ewan na lamang niya kung ano ang kaniyang gagawin. Lalo na kay Damiano.

Mayamaya ay dumating na rin si Ulap. “Parating na ang mga pulis. And we need to get out of here and take Ysolde to the hospital.”

Kaagad naman siyang kumilos at pinangko niya ang kaiyang asawa. Magkaagapay silang tatlo na pumasok ulit sa wearhouse na iyon.

“Signore Hideo!” Anang isang tauhan niya na sumalubong sa kanila sa loob ng wearhouse.

“Nasaan ang ibang tauhan?” tanong niya rito.

“Nakaalis na po sila, Signore. Baka makita pa sila rito ng mga pulis,” sagot ng lalaki.

Tumango naman siya. “Alright.”

“May regalo pala ako sa ’yo, Signore.” Ani nito.

Nangunot naman ang kaniyang noo at tumingin sa lalaki habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.

“Buhay pa ang isang tauhan ni Damiano. Ang lalaking sinasabi mo po na may tattoo sa braso.”

Bigla siyang napatiim-bagang nang maalala niya ang sinabi ng dalawang nakasaksi sa pagdukot kay Ysolde. Ayon sa mga nakakita, puwersahan daw na kinuha ang kaniyang asawa ng lalaking may tattoo sa braso at sinuntok pa raw sa tiyan.

“Dalhin mo sa hideout.” Utos niya.

“Okay po, Signore.” Pagkasabi n’on ng lalaki ay kaagad din itong umalis.

“Why? Ano ang ginawa kay Ysolde ng tauhan ni Damiano?” tanong ni Ulap.

“He punched my wife in the stomach.”

Nagkatinginan naman ang magkambal.

“Ako na ang bahala,” sabi ni Ulap. At kaagad itong sumunod sa isang tauhan nila.

“Let’s go.” Binuksan ni Giuseppe ang pinto sa backseat ng kotse na nakaparada sa labas ng wearhouse.

Sumakay roon si Hideo habang karga-karga pa rin niya ang asawa. Si Giuseppe naman ay nagmamadali na ring sumakay sa drivers seat at kaagad na pinaandar ang sasakyan.

Pagkarating nila sa ospital ay kaagad na inasikaso ng mga doctor si Ysolde.

“Babe.”

Kaagad na sinalubong ni Giuseppe si Jule nang makita ng binata ang nobya na paparating kasama nito ang matandang Salve. Nasa labas ito ng Emergency Room kasama si Hideo at naghihintay na lumabas ang doctor na gumagamot ngayon kay Ysolde.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now