CHAPTER 47

379 15 0
                                    

SERYOSONG nakatuon lamang sa unahan ng sasakyan ang paningin ni Hideo nang bigla siyang makadama ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Wala sa sariling napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib at napakunot noo. Mayamaya ay biglang sumagi sa isipan niya ang kaniyang asawa.

Wife!

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa’y nagmamadali siyang kinuha sa dashboard ang kaniyang cellphone at tinawagan si Ysolde. Ngunit panay ring lamang ang kabilang linya. Sinubukan niya ring tawagan si Arn, pero ganoon din. Panay ring lamang at walang may sumasagot.

Tiim-bagang na muli siyang napabuntong-hininga nang malalim pagkuwa’y mabilis na kinabig ang manibela upang mag-Uturn siya. Malapit na sana siya sa kaniyang opisina pero hindi na siya tumuloy roon dahil sa kakaibang kaba at pag-aalala na kaniyang biglang naramdaman para sa kaniyang mag-ina.

Mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang sasakyan. Ilang minuto lamang, habang binabaybay na niya ang daan papunta sa bahay ni Ysolde... Malayo pa lamang ay natanaw na agad niya ang isang kotse na nasa gitna ng kalsada at may mga taong naroon at nakikiusyuso. Mas lalo siyang sinalakay ng matinding kaba at takot nang makilala niya ang kotse na iyon.

Hindi pa man naipaparada nang maayos sa gitna ng kalsada ang kaniyang sasakyan ay kaagad siyang umibis sa driver’s seat at patakbong lumapit sa sasakyang ginamit ng kaniyang asawa kanina.

“Excuse me!” sabi niya sa mga taong naroon. Hanggang sa makalapit siya sa may driver’s seat at nakita niya si Arn na nakasubsob sa manibela. Dumudugo pa ang likod ng ulo nito. “Fuck, wife!” Kaagad niyang binuksan ang pinto sa backseat upang tingnan doon ang kaniyang asawa, but she was not there. Mas lalo siyang sinalakay ng takot at pag-aalala para sa mag-ina niya. “Damn it!” tiim-bagang at galit na pagmumura niya. “Arn! Arn!” Binuksan niya ang pinto sa tabi ng binata at kinabig niya ito upang isandal sa upuan. Pinulsuhan niya ang leeg ni Arn, he’s still breathing.

“Kawawa naman!”

“Kawawa rin ang babae kanina. Pilit siyang kinuha nang lalaking may tattoo sa braso. Tapos sinuntok pa sa tiyan!”

“Oo nga!”

Dahil sa mga narinig niyang sinabi ng mga taong naroon at nakikiusyuso sa mga nangyari... Mas lalo siyang nilamon ng galit.

Damiano! Tiim-bagang at puno ng galit na sambit ng kaniyang isipan.

Damn it! Sinaktan ng mga ito ang kaniyang asawa?!

Kaagad siyang bumalik sa kaniyang sasakyan at kinuha ang kaniyang cellphone.

“Damiano took my wife. Magpadala ka ng tauhan dito para dalhin sa ospital si Arn.” Tiim-bagang pa rin na saad niya nang sumagot sa kabilang linya si Ulap.

“What? Kinuha ni Damiano ang kapatid ko?” bakas din sa boses ng binata ang pag-aalala para sa kapatid nito. “Damn him! Papunta na ako.” Ani nito bago nawala sa kabilang linya.

Mayamaya lang ay narinig niyang paparating na ang mga pulis. Kaagad siyang sumakay sa kaniyang kotse at umalis doon. Bahala na ang mga ito ang mag-asikaso sa nangyari doon. He needs to find his wife. He swear, papatayin niya si Damiano oras na mahanap niya ito at parurusahan niya ang lalaking nanakit sa kaniyang mag-ina.

Oh, fuck! My wife. My child.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Mariin pa rin siyang nakatiim-bagang at nagdidilim ang kaniyang paningin dala sa labis na galit sa kaniyang kapatid. Oras na makita niya si Damiano, pinapangako niya sa kaniyang sarili na hindi niya ito titigilang patayin hanggat hindi ito nadudurog.

Oh! Dapat pala hindi na niya hinayaan na si Arn lang ang kasama ng kaniyang asawa kanina. Hinding-hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kapag may masamang mangyari sa mag-ina niya.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now