CHAPTER 36

484 21 2
                                    

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere pagkuwa’y napatitig sa kisame ng kuwarto ko. It’s already seven in the evening, at simula kaninang umaga pagkatapos nang mga nangyari sa opisina ay hindi pa kami ulit nagkikita at nagkakausap ni Hideo. Pagkatapos ko kasi siyang palabasin sa office ko para pakalmahin ang sarili ko dahil sa mga nangyari, hindi na ako lumabas at hindi ko rin siya pinayagan na muling kausapin ako. Naiinis kasi talaga ako sa Marga na ’yon at hanggang ngayon ay laman pa rin ng isipan ko ang sinabi nito tungkol sa nangyari sa kanila ni Hideo dati. May kirot pa rin sa puso ko dahil doon.

Napatingin ako sa may pinto ng kuwarto ko nang marinig kong may kumatok doon. Saglit akong pumikit bago nagsalita.

“Come in,” sabi ko.

Bumukas naman iyon at pumasok si Shiloh. Nakangiti pa ito. “Hi, sissy!” Naglakad ito palapit sa puwesto ko.

Umayos naman ako sa pagkakaupo ko sa single couch. Hinalikan ako nito sa pisngi bago ito umupo sa gilid ng kama ko.

“How are you?” tanong nito.

I let out a deep sigh again as I shrugged. “Fine,” tipid na sabi ko.

Tinitigan naman ako nito ng mataman. “Ysolde, lately hindi na tayo madalas magkita at magkasama because I’m pretty busy right now... but I know you if when ka may problem.” Ani nito.

Nag-iwas naman ako ng tingin dito. Saglit akong nanahimik bago muling tumingin kay Shiloh. “Nagkaroon lang ng problema kanina sa office ko.” Pagtatapat ko rito.

Her eyebrows furrowed. “Why? What happened?”

“That Marga went to the office this morning. And... hindi ko napigilan ang sarili ko kaya hayon, nagkagulo kami.”

“Oh, my God!” Napatutop pa ito. “Really? Why?”

“Ano pa ba ang ginagawa ng mga babaeng haliparot?” balik na tanong ko and I rolled my eyes.

“Oh, my God! And who wins?” tanong nitong muli na bigla pang napangiti.

Nangunot na naman ang noo ko. Bakit parang natuwa pa ito na nagkagulo kami ng Marga na ’yon kanina?

“I mean, we’re best friends kaya I know na hindi ka nang-aaway. So I’m just happy.”

Halos mag-isang linya ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. May pagkagaga rin itong si Shiloh minsan, e! Sabagay, sa aming dalawa ito ang madalas mang-away dati. Madalas mang-bully sa mga kaklase namin simula pre-school hanggang college.

“Why?” tanong nito na natatawa pa nang makita ang pagsimangot ko. “At least now, you know how to fight. You are no longer Maria Ysolde Latorre who is weak and just oppresses the people around you.” Ani nito.

Well, sabagay, Shiloh has a point. Dati pa man ay hindi talaga ako mahilig makipag-away. Ako ang madalas na binu-bully kahit no’ng maliliit pa kami. Shiloh was my protector kapag inaaway ako kaya thankful ako na naging best friends kami at lagi itong nasa tabi ko.

I smiled at her and let out a deep sigh again. “What are you doing here by the way? Gabi na, a!” Mayamaya ay tanong ko na lang dito.

“Well, I just came here to say goodbye!”

Muling nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. “Why? Where are you going?”

“I have to go to London.”

“And what are you going to do there?”

Ngumiti naman ito sa akin. “Do you remember the modeling agency that emailed me before?” tanong nito.

I nodded.

“I accepted their offer kasi pinayagan na ako ni daddy.” Nakangiti pa ring saad nito.

“Really?” masayang saad ko.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now