CHAPTER 25

509 24 4
                                    

NANG makapasok kami sa kuwarto niya, dahan-dahan akong bumaba mula sa pagkakapangko niya sa akin. Pero hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. My arms are still wrapped around his neck. I would have almost run out of breath if he hadn’t been the first to release my lips. He cupped my face in his palms and planted small kisses on my cheeks, nose, forehead and even my neck. I giggled because of the tickle I felt. Pero mayamaya, nang may mahagip ang paningin ko sa wall niya, biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig doon.

“Hideo!” tawag ko sa kaniya.

“Mmm?” abala pa rin siya sa paghalik sa leeg at balikat ko.

“Hideo!” I called to him again and pushed him slightly into his chest.

Napalayo naman siya sa akin at kunot ang noo na tumitig sa akin. “What, wife?” tanong niya.

“What is that?” tanong ko habang nakatitig pa rin sa picture frame na nakasabit sa wall niya. Ang weird lang kasi makakita ng underwear na nasa picture frame at naka-hang pa sa wall.

“Oh!” aniya nang tumingin din siya roon.

Naglakad ako palapit doon habang mataman pa rin ang titig ko sa picture frame. Oh, my God! It looks familiar! Parang... nilingon ko siya! And he was smiling at me.

“That’s my underwear,” sabi ko sa kaniya.

Ang damuho, mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti sa akin.

“How did you get that?” naiinis na tanong ko pa habang magkasalubong ang mga kilay ko. Mayamaya ay natigilan ako ulit. Wala sa sariling napatutop pa ako sa bibig ko. Oh, my God! Don’t tell me... si Hideo ang lalaking pumapasok sa kuwarto ko? ’Yong aninong minsan ko ng nakita sa veranda ko? ’Yong taong naglagay ng tulips sa kuwarto ko at sa veranda ko? It’s him! Siya ang umaakyat sa veranda ko at nagbubukas ng sliding door sa kuwarto ko kapag nahihimbing na ako sa pagtulog ko! Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatitig pa rin ako sa kaniya. “It... it’s you!” sabi ko sa kaniya.

“What me?” tanong niya.

“Oh, God! Hideo, don’t lie to me,” sabi ko. “Ikaw ang taong umaakyat sa kuwarto ko! And that...” itinuro ko pa ang underwear ko na nasa picture frame. “That is my underwear. You we’re in my room that night and you took my underwear.” Saad ko.

“Alright, I’m sorry—”

“I’m sorry?” hindi makapaniwalang saad ko. “Ilang beses ka nang umaakyat sa kuwarto ko ng hindi ko alam! You stole my underwear and... and hindi ko alam kung ’yan lang ba ang kinuha mong gamit ko o mayroon pang iba! Tapos sasabihin mo lang ngayon na I’m sorry? God, you’re so unbelievable, Hideo!” napapailing na lamang na saad ko kasabay nang pagpapakawala ko nang malalim na buntong-hininga. Namaywang ako at napahawak sa sentido ko. Jesus! Hindi talaga ako makapaniwa sa lalaking ito!

“That’s why I’m sorry, baby. Wala naman akong masamang intensyon na gawin sa ’yo. I’m just... I just missed you at hindi ko alam kung paano ako magpapakita sa ’yo para ipaalam sa ’yo na buhay pa ako.” Pagpapaliwanag niya. “Okay, I admit it... bago pa man ako pumunta sa Latorre Vino para magpakita sa ’yo, ilang beses na akong palihim na umaakyat sa kuwarto mo para makita ka. But that was it. I just wanted to see you.”

Mataman akong tumitig sa mga mata niya. Alright, I can see the sincerity in his eyes as he explains to me. Mukhang nagsasabi naman siya sa akin ng totoo! Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Lalo na hindi ako makapaniwala na nanakawin niya ang panty ko at ilalagay sa picture frame. God!

Napasimangot ako sa kaniya bago muling tinapunan ng tingin ang picture frame.

“Tanggalin mo na ’yan diyan.” Utos ko sa kaniya.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now