CHAPTER 9

616 27 5
                                    

“THIS IS IT!” malapad ang ngiti sa mga labi ni Shiloh habang nakatayo ito sa gilid, unahan ng yate. Nakadipa pa ito habang nakapikit habang sinasamyo ang preskong hangin.

Sabagay, sino ba ang hindi mapapangiti nang kagaya kay Shiloh kung ganito kaganda ang matatanaw mo hindi ka pa man nakakababa sa yate? Of course, masarap sa pakiramdam. Ngayon pa nga lang, feeling ko nare-relax na ang buong katawan ko dahil sa fresh air na nalalanghap ko galing sa malawak na karagatan. Sobrang linaw ng dagat. Kahit nasa malayo pa kami, tanaw na tanaw ko na rin ang sobrang puting buhangin. Hindi na tuloy ako makapaghintay na maligo ng dagat.

“Are you happy?”

Napalingon ako kay Kuya Sky nang tumabi ito sa ’kin. Nakatayo ako sa gilid ng yate at nakatanaw rin sa dalampasigan habang naghihintay kaming makadaong sa pantalan.

“Mabuti na lang at sumama ako rito.” Sagot ko kay kuya.

“You need to relax kapatid. Huwag puro trabaho ang atupagin mo.”

“You’re right kuya,” sabi ko. “Sayang lang at hindi natuloy si Kuya Kidlat at Manay Salve na sumama sa atin.”

“Hayaan mo siya ang kuya mo. Hindi naman ’yon mahilig sa mga ganitong bakasyon, e! Mas gugustohin pa n’on na magkulong sa office niya at magtrabaho buong araw. Wala siyang social life.”

Napahagikhik naman ako dahil sa sinabi ni kuya. Well, may pagkakapareho rin kami ni Kuya Giulio. Minsan kasi introvert ako. Mas gusto ko pang nasa bahay lang or gumagawa ng trabaho ko kaysa nasa labas ako nakikipag-bonding kasama ang maraming tao. Madalas ko kasing marinig kay papa dati pa, mas importante sa kaniya ang trabaho at kumita ng pera kaysa magsayang ng oras. Hindi lang makahindi si papa kay mama noon kapag gusto ni mama na magbakasyon kami. Pero sa oras ng bakasyon naman ay hawak pa rin nito ang laptop. Usual, he’s still working. Si Manay Salve naman ay hindi rin nakasama sa amin dahil sinumpong ito bigla ng osteoporosis.

“By the way kuya, I have question.” Mayamaya nang may maalala ako tungkol sa kanila ni Jule.

Lumingon naman ito sa ’kin. “What is it?”

“Nagkabalikan na ba kayo ni Jule?” tanong ko. Lately kasi, napapadalas na ang pagkikita nila. Hindi na rin ganoon ang pagsusungit ng kaibigan ko sa kuya ko.

Ngumiti naman sa ’kin si kuya. “Siya ang tanungin mo tungkol diyan. Ayokong sumagot kasi magagalit na naman sa ’kin ’yang kaibigan mo.”

Napabuntong-hininga ako. “Well, sa klase ng sagot mo ngayon parang sinabi mo ng nagkabalikan na nga kayo.”

Nagkibit lamang ito ng mga balikat at tumawa ng pagak saka ako kinabig sa leeg kaya napalapit ako rito. “How about you? Ang sabi ni Jule seryoso nga raw talaga ang secret admirer mo? Hindi pa ba nagpapakilala sa ’yo?”

Umismid naman ako. “Kuya, wala akong balak na makilala kung sinuman ang poncio pilatong ’yon.”

“Bakit tinatanggap mo pa rin ang mga delivery niya kung wala ka pa lang balak na makilala ang poncio pilatong ’yon? Per your word.” Tanong naman ni Kuya Cloud nang tumabi rin ito sa akin.

“Ayaw naman niyang tumigil sa pagpapadala e, so I don’t have a choice kun’di tanggapin ’yon.”

“Baka naman masanay ka na niyan kapatid, tapos kapag tumigil na ’yang secret admirer mo ay hahanap-hanapin mo na.” Saad pa ni Kuya Cloud. “Bakit hindi mo na lang siya sagutin? I mean, matagal naman ng tapos ang sa inyo ni... you know who I mean.”

I know nagbibiro lang si Kuya Ulap dahil sa klase ng ngiti nito. Pero hindi ko pa rin napigilan ang pagsasalubong ng mga kilay ko nang lingunin ko ito.

“I didn’t mentioned his name, okay!”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now