CHAPTER 4

588 17 1
                                    

"ANAK YSOLDE!"

Nang pagkapasok ko sa sala ay sakto namang lumabas sa kusina si Manay Salve. Nagmano ako nang makalapit ako rito.

"Nasaan si Jule, bakit hindi kayo sabay na umuwi?" tanong nito.

"May pinuntahan po kasi siyang importante. Mamaya pa po siguro 'yon uuwi."

"Ganoon ba? E, kakain ka na ba agad? Maghahain ako ng pagkain mo."

"Mamaya na po ako kakain Manay. And don't worry, ako na lang po ang bahala sa pagkain ko. Magpahinga na po kayo," sabi ko saka nagsimula na ring pumanhik sa hagdan.

"Siya sige. Initin mo na lang ang pagkain mamaya, a!"

"Opo! Salamat po Manay." Saka ako nagtuloy ng pag-akyat ko hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko.

Pagkalapag ko ng bag ko sa ibabaw ng kama ay pabagsak din akong humiga roon. Tahimik at tulala akong napatitig sa kisame. I still think about what happened earlier. About the box that was sent to me, the man I bumped into earlier, then the man I saw outside the building before I went home. Hindi kaya... si Hideo nga 'yon? I mean, parang siya 'yong lalaking nakabangga ko. Pareho sila ng tangkad. Ang postura ng katawan nila habang sinusundan ko ng tingin 'yong lalaki kanina. And his smell. Iyon din ang pabango ni Hideo. Oh, God! Bakit ko naman iniisip 'yon? E, hindi lang naman si Hideo ang taong gumagamit ng perfume na 'yon! Maybe, nagkataon lang din na pareho sila ng height at posture. Pero 'yong boses...

I'm sorry!

Muli akong napabuntong-hininga nang malalim at ipinilig ang ulo ko nang muling sumagi sa isipan ko ang boses na 'yon.

Malabong si Hideo 'yon. He was dead kaya nakapa-imposibleng mangyari na siya iyon. Dahil lang siguro 'to sa ilang gabi ko na naman siyang napapanaginipan. Hindi na naman matatahimik ang isipan ko.

I let a out another deep sigh pagkatapos ay bumangon na ako. Naglakad ako papunta sa banyo para maligo na. Gusto kong magpahinga ng maaga dahil kulang pa rin ako ng tulog. Ilang gabi ng laging naaabala ang tulog ko tapos matagal bago ulit ako dalawin ng antok kaya pagkakagising ko sa umaga, laging mabigat ang pakiramdam ko.

Pagkatapos kong maligo, bumaba na rin ako sa kusina para kumain. Hindi ko na rin hinintay na dumating si Jule. I just sent her a text na bukas na lang kami magkikita.

Dala sa pagod pa rin, pagkahiga ko sa kama ko... hindi ko namalayan at bigla akong nakatulog. Naalimpungatan lang ako nang pakiramdam ko may kamay na humahaplos sa pisngi ko. I want to open my eyes, but I can't. Ang bigat ng pakiramdam ko.

"Mmm! H-hideo!"

I can still feel the hand caressing my cheek, until I felt like someone kissed my lips. Bigla akong napamulat at napabangon habang habol ko ang paghinga ko. Napatutop din ako sa mga labi ko. Mayamaya ay napalingon naman ako sa may sliding door ng veranda nang makita kong hinangin ang kurtina roon at narinig ko ang malakas na buhos ng ulan at malakas na kulog. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit nakabukas 'yon? Sa pagkakaalala ko, kanina bago ako matulog, sinigurado kong naka-lock 'yon. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang umilaw at mag-vibrate iyon. Nasa ibabaw iyon ng bedside table ko. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino ang nag-text sa 'kin. It was Kuya Giuseppe. Sinabi niya lang sa 'kin na kasama niya raw si Jule. Hindi na niya inihatid pauwi kasi malakas ang ulan.

Hindi ko na masiyadong pinansin ang text niya nang muling kumulog ng malakas. Nagmamadali akong bumaba sa kama ko at patakbong lumapit sa sliding door para isarado 'yon. Pero hindi ko pa man nahahawakan ang salamin ay napakunot agad ang noo ko nang makita ko ang isang bouquet ng tulips na nasa upuan, sa labas ng sliding door.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now