CHAPTER 42

418 19 1
                                    

BAHAGYA akong napapitlag nang mula sa likuran ko ay may mga brasong pumulupot sa baywang ko at hinalikan ako sa pisngi ko.

“Good morning, wife!”

Malambing na bati sa akin ni Hideo. Napangiti naman ako at bahagya siyang nilingon.

“Morning, love.”

Nasa kusina na ako, sa tapat ng kalan at nagluluto ng ham at scrumbled egg. Maaga akong nagising kanina kaya bumaba agad dito sa kusina para magluto ng almusal namin. Gusto ko kasing bigyan ng breakfast in bed ang asawa ko. Lagi na lang kasi siya ang gumagawa niyon sa akin these past few days.

It’s been one month simula nang malaman namin na si Zakh pala talaga ang pumatay kay Papa at hindi ang asawa ko. One month na rin kaming narito sa isla. Simula no’ng araw na pinuntahan ko siya rito, hindi pa kami umuuwi sa Maynila. We both decided na mag-stay na muna rito para magbakasyon at makapag-relax kami nang maayos. At masasabi ko namang mas naging masaya kami ni Hideo dahil sa pananatili namin dito. Mas naiparamdam namin kung gaano namin kamahal ang isa’t isa.

Sa lahat ng oras ay kaming dalawa lang ang magkasama. Always happy. Walang problemang iniisip kun’di ang masayang pagsasama lang namin dito. Sabi ko nga, kung dati ay kulungan ang turing ko sa islang ito, pero ngayon ay paraiso na. Lalo pa at lagi kong kasama ang asawa ko. Mas lalo kong naramdaman kung gaano ako kasuwerte na ako ang minahal ni Hideo. I realized, kung gaano siya nakakatakot kapag iba ang kaharap niya, ganoon naman siya kalambot kapag ako ang kaharap at kausap niya.

Nagpupunta lang din dito sina Jule, si Kuya Ulap at Kuya Sky, si Morgon at si Arn kapag gusto nilang bumisita sa amin. Nag-i-stay sila rito ng isa o dalawang araw. Si Kuya Kidlat naman, simula nang umalis siya sa bahay no’ng araw na iyon, hindi pa ulit kami nagkikita. Hindi pa rin kami nagkakausap kahit sa cellphone lang. Ang sabi sa akin ni Kuya Ulap, umalis daw ng bansa si Kuya Kidlat. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kasi maging sina kuya rin naman ay wala silang balita.

Sa totoo lang, hindi niya naman kailangang umalis, e! Kasi hindi naman ako galit sa kaniya. Naiintindihan ko naman siya. Pero siguro, gusto niya lang lumayo saglit at pahupain muna ang mga nangyari no’ng nakaraan. But still I’m hoping na magkaayos pa sila ni Hideo. Kasi ako ang unang malulungkot kung hindi okay ang dalawang lalaki na pareho kong mahal.

“Why you didn’t wake me up, wife?” tanong niya sa ’kin mayamaya at naramdaman ko pa ang palad niyang masuyong humaplos sa tiyan ko.

Napangiti akong muli dahil sa ginagawa niya. Hinalik-halikan niya rin ang balikat at leeg ko na naghahatid ng munting kiliti sa akin.

“Because I want to make a breakfast in bed for us. Kaso lang, bumaba ka na,” sabi ko.

“Mmm, really?”

Pati ang batok ko ay hinalikan na rin niya na siyang naging dahilan ng pagtatayuan ng mga balahibo ko roon.

“Love, nakikiliti ako.” Saway ko sa kaniya.

I heard him chuckled. “But I don’t like breakfast in bed, wife.” Bulong niya sa likod ng tainga ko.

Saglit akong natigil sa ginagawa ko nang hapitin niya ako papunta sa kaniya. I felt his erect manhood touched behind me. He even moaned tenderly behind my ear as one of his hands traveled to one of my breast, samantalang masuyong humaplos na naman sa tiyan ko ang isang palad niya. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ilalim kong labi at masuyo rin akong napaungol dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon.

“Mmm, love!” masuyong saad ko sa kaniya.

“Yes, wife?”

“Please... s-stop it first. I’m not done cooking,” sabi ko pa at napahawak sa kamay niyang papunta na sana sa ibaba ng puson ko. “Ohhh!” hindi ko rin napigilan ang pag-ungol ko nang masuyo niyang pisilin ang isang dibdib ko.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now