CHAPTER 28

484 21 2
                                    

“BOSS, parang awa mo na! Huwag mo naman idamay ang pamilya ko rito.”

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ni Ulap pagkatapos ay tumayo mula sa pagkakaupo nito sa isang swivel chair.

Nakaluhod naman sa marmol na sahig ang isang matandang lalaki habang magkasalikop ang mga palad nito at nakatingala sa binata.

“Hindi ko naman idadamay ang pamilya mo Acosta, kung magsasabi ka lang sa akin kung sino ang nagbayad sa ’yo ng malaking pera para ilaglag mo si Hideo.” Seryosong saad nito saka hinugot ang baril na nakasuksok sa baywang nito.

Sunod-sunod na napalunok naman ng laway ang lalaki habang nakatitig ito sa baril. Napailing pa ito mayamaya. “H-hindi ko kayang sabihin. Dahil...”

“Dahil ano?” Matalim na titig ang ipinukol nito rito.

Naiinis na talaga si Ulap sa lalaking ito dahil dalawang beses na itong bumalik sa opisina ni si Acosta para pilitin itong magsalita kung sino ang bagong boss nito. Pero kagaya noong una, ayaw pa rin nitong kumanta. Kung may iba pa sanang puwedeng tanungin si Ulap para malaman agad nito kung sino ang boss ni Acosta, no’ng una pa lang ay pinatay na nito ang lalaku. Maiksi lang ang pasensya ni Ulap pagdating sa mga taong kagaya ni Acosta na mahirap palambutin. Pero dahil kailangan nilang malaman kung sino ang kumalaban kay Hideo, kailangan nitong magtimpi muna.

Mayamaya ay kinasa ni Ulap ang baril na hawak pagkatapos ay itinutok iyon kay Acosta.

“Boss, p-please! Please don’t.”

“I will count in three, Acosta. Kung hindi ka pa rin kakanta, I don’t have a choice kun’di iputok sa bungo mo ang bala ng baril ko. Kasi kung hayaan man kitang mabuhay ngayon, I’m sure na papatayin ka rin ni Hideo after this. Gusto mo ba na siya pa ang pumatay sa ’yo?” Tanong nito.

Muling napalunok ng laway ang matandang lalaki.

“O, pahihirapan ka muna nitong mga tauhan ko?” Tanong pa nito.

Takot na tiningnan naman ng matanda ang mga tauhan ni Ulap na nakatayo sa gilid ng opisina nito.

“Magaling magsemento ang mga ’yan. Gusto mo bang maranasan ’yon? Tapos ihuhulog ka sa dagat?”

“Boss...”

Malalim na buntong-hininga ulit ang pinakawalan ni Ulap pagkatapos ay dahan-dahan nitong inilusot ang daliri sa gatilyo ng baril. “One.” Nag-umpisa itong magbilang. Nauubos na talaga ang pasensya nito ngayon.

“Boss, Ulap! Parang awa mo na—”

“Two.”

Muling napaluha ang lalaki at napapikit ng mariing nang idikit ni Ulap sa noo nito ang dulo ng baril.

“Thr—”

“Si Damiano.” Mabilis na saad nito kahit nanginginig ang boses nito. “Si Damiano ang nag-utos sa akin. Siya rin ang nagbayad sa akin ng malaking pera para ilaglag ko ang negosyo ni Signore Hideo.”

Kunot ang noo na napatitig naman si Ulap sa matandang lalaki nang marinig nito ang mga sinabi ni Acosta.

Mayamaya ay inalis ni Ulap sa noo nito ang baril.

“Are you telling the truth right now, Acosta?” Tila hindi makapaniwalang tanong nito.

“O-opo boss,” sagot nito. “Si Damiano ang nag-utos sa akin. Nariyan sa drawer ko ang cheque na ibinigay niya ulit sa akin no’ng nakaraang linggo. Inuutusan niya akong i-report sa mga pulis ang paparating na shipment ni Signore Hideo sa susunod na buwan.”

“Paano mo nalaman na may shipment si Hideo sa susunod na buwan?”

“May binabayaran din akong tao sa mga tauhan ni Signore Hideo sa custome. Sila ang nagbibigay sa akin ng information tungkol sa mga shipments ni Signore Hideo.”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now