CHAPTER 21

544 22 3
                                    

“STOP IT MARGA!” anang Hideo at kaagad na hinawakan sa magkabilang braso ang dalaga upang ilayo ito sa kaniya.

“What babe? I just missed you.” Anito at sa halip na umalis sa pagkakaupo sa kandungan niya ay ipinulupot muli ang isang braso nito sa kaniyang leeg. “I was waiting for you last week. I told you na mag-uusap tayo pero hindi mo naman ako pinuntahan sa hotel. It seems that you are avoiding me, babe.” Saad pa nito at nagbuntong-hininga pagkuwa’y pinaglandas-landas ang hintuturo nito sa tapat ng dibdib ni Hideo.

“At sinabi ko na rin sa ’yo na wala tayong dapat na pag-usapan, Marga. We’re done!”

“No we’re not babe.” Mariing saad pa nito.

Isang malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Hideo sa ere pagkuwa’y sinilip niya sa opisina nito si Ysolde. Abala na ito sa trabaho nito. Seryosong nakatutok ang atensyon at paningin sa monitor ng laptop nito. Mayamaya ay iniligpit nito ang mga gamit at tumayo na. Naglakad ito palabas ng opisina.

Where is she going? Tanong ng kaniyang isipan habang sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng pintuan.

“I missed you babe—ouch!”

Daing nito nang bigla siyang tumayo sa kaniyang puwesto kaya napatayo na rin ito. Muntikan pa nga itong matumba kung hindi lang nakahawak sa gilid ng kaniyang mesa.

“Hideo!” inis na saad nito.

“You can leave, Marga. Wala tayong dapat na pag-usapan.” Aniya at dinampot niya ang kaniyang cellphone.

Akma na sana siyang hahakbang upang lumabas sa kaniyang opisina, pero pinigilan naman siya ng dalaga.

“Wait, where are you going babe?”

“I have a lot of work to do, Marga,” seryosong sabi niya rito. “So please... you may leave.”

“Hideo, isang linggo mo akong pinagtaguan. Tapos ngayon itataboy mo lang ako nang basta-basta?” biglang rumihestro sa mukha nito ang pagkainis sa kaniya.

Isang seryosong tingin ang muli niyang pinukol rito pagkatapos ay tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Hindi niya alam kung saan nito nalaman na naroon siya sa Latorre Vino. Kaya kanina nang makaalis si Ysolde para ipagtimpla siya ng kape niya, nagulat siya nang bigla itong dumating sa kaniyang opisina.

“I’m busy, Marga.” Aniya at malalaki ang mga hakbang niya na lumabas sa kaniyang opisina.

“Hideo, please don’t leave me.”

Pero hindi niya ito pinansin.

“Maya!”

Kaagad namang tumayo sa puwesto nito ang dalaga. “Yes po, Sir Hideo?”

Lumapit siya sa mesa nito, “where is your Ma’am Ysolde?” tanong niya.

“Um, umalis po sir.”

“Where did she go?”

“H-hindi ko po alam sir, e! Nagsabi lang po siya na aalis siya pero hindi po sinabi kung saan siya pupunta.” Sagot nito.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa’y tiningnan ang suot niyang wristwatch. It’s already three in the afternoon. Saan pa kaya pupunta si Ysolde?

“Bakit po sir, may kailangan po ba kayo kay Ma’am Ysolde? I will call her.”

“No. It’s okay, Maya. Thank you!” aniya at kaagad na naglakad palayo.

“Ang guwapo talaga ni Sir Hideo, ano bes?” anang isang babae nang lumapit ito sa puwesto ni Maya.

Ngumiti nang malapad si Maya. “Sinabi mo pa bes! Nakakailang pa ang mga tingin niya. Hindi ko matagalan. Pakiramdam ko kasi kakapusin ako ng hangin kapag sinalubong ko ang mga mata niya.” Nasa mukha nga ng dalaga ang labis na kilig dahil sa bagong boss ng mga ito.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now