CHAPTER 5

584 21 3
                                    

“YOU KNOW that I’m always on your side Hideo. Kaya asahan mo ang full support ko para sa ’yo at sa new project mo.”

Ngumiti naman si Hideo at tinanggap ang pakikipagkamay ni Mr. Laxamana sa kaniya. “Thank you, Mario.”

“And also expect my full support for you too, Hideo. Alam naman nating tatlo na magaling ka talaga sa kahit ano’ng negosyo,” sabi naman ni Mr. Lee. “And we’re glad that you’re back now. Isang taon ka ring nawala. Hindi namin alam kung ano ang nangyari at saan ka nagpunta. Pero natutuwa kami sa muling pagbabalik mo.”

“Thank you, Francis.” Aniya at nakipagkamay rin siya rito. “I just had to rest and relax for a while kaya bigla akong nawala. But now that I’m back again, magiging busy na ulit ako sa trabaho ko.” Saad pa niya.

Well, hindi nabalita at walang ibang may nakakaalam tungkol sa nangyari sa kaniya noon kun’di ang malalapit na mga kaibigan at tauhan niya lamang. Isang taon na ang nakalilipas matapos ang nakakatakot na nangyari sa kaniya. Pero hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang mga nangyari. Nang araw na mabaril siya ni Zakh, that was the last time na nakita at nagkausap sila ni Ysolde. Mahigit isang taon din ang lumipas at tiniis niya na hindi ito makita; habang nasa malayo siya at nagpapagaling. But lately, kahit papaano ay nagiging masaya naman ang kaniyang puso na mapagmasdan sa malayo si Ysolde. Well, not really that far. Dahil simula nang bumalik siya ng Pilipinas, may tatlong linggo na ang nakararaan, hindi lamang iisang beses na palihim niyang pinupuntahan sa bahay nito si Ysolde. Kahit sa ganoong paraan lamang ay labis na siyang natutuwa at naiibsan na ng unti-unti ang lungkot at pangungulila niya sa kaniyang asawa. Tatlong linggo na simula nang makabalik siya sa Pilipinas mula Cuba, pero hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung paano magpapakita kay Ysolde. Hindi pa siya handa! O baka natatakot pa rin siya sa kung ano ang magiging reaction nito kapag nalaman nitong buhay pa siya! Lalo na sa estado nilang dalawa bago pa man siya nawala. Malaki ang galit sa kaniya ng kaniyang asawa dahil sa pagkawala ni Bernard na siyang may kagagawan.

“Welcome back again, Hideo!”

“Thank you! Thank you! So, magkita-kita na lang tayo sa susunod na meeting.” Aniya.

“Alright! We’ll go ahead Hideo.” Sabi ni Mr. Laxamana.

Isang tango naman ang isinagot niya rito bago naglakad ang dalawang lalaki palabas ng kaniyang conference room. Naiwan siyang mag-isa roon.

Dinukot niya sa bulsa ng kaniyang coat ang kaniyang cellphone pagkuwa’y umupong muli sa swivel chair na iniwan niya kanina. May tinawagan siya sa kaniyang cellphone.

“So, kumusta ang pinapagawa ko sa ’yong trabaho?” tanong niya sa isa niyang tauhan nang sagutin ang kaniyang tawag sa kabilang linya.

“Boss, ganoon pa rin po, e! Kagaya po kagabi, ipinatapon lang po ni Ma’am Ysolde ang mga bulaklak na pinabibigay ninyo.” Sagot ng lalaki sa kabilang linya.

Malalim na paghinga ang hinugot niya at saglit iyong inipon sa kaniyang dibdib bago iyon pinakawalan sa ere. “Send her again two bouquets. Kapag ipinatapon ulit, send her again hanggang sa makulitan siya at tanggapin niya ang bulaklak ko,” sabi niya niya.

“O-okay po boss.”

Mabilis niyang pinatay ang kaniyang tawag at inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang kaniyang cellphone. Pabagsak na isinandal niya ang kaniyang likod sa swivel chair at tumitig sa kawalan. Mayamaya ay napangiti na naman siya.

“Ganito ka pala kahirap ligawan, wife.” Aniya at muling nagpakawala nang malalim na paghinga. Napailing pa siya. “Oh, damn it I missed you so bad, baby.” Usal niya at mariing ipinikit ang kaniyang mga mata. Muli niyang inalala ang mga gabing lagi niyang dinadalaw sa silid nito ang kaniyang asawa. “I want to kiss you again. I want to feel your lips again. You’re driving me crazy, wife.” His jaw tightened kasabay niyon ang muli niyang pagbuntong-hininga upang pakalmahin niya ang kaniyang sarili.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now