CHAPTER 45

465 20 1
                                    

“I’M GOING TO BE A DADDY!” malapad pa rin ang ngiti sa mga labing saad ni Hideo sa akin at muling hinagkan ang mga labi ko habang nakakulong sa mga palad niya ang mukha ko.

Oh, simula kanina, kitang-kita at ramdam na ramdam ko ang labis na kaligayahan niya dahil sa balitang ibinigay ko sa kaniya. Kanina pa rin siya nakangiti, hindi na iyon nawala sa kaniyang mga labi.

“I’m going to be a daddy, wife!” saad niyang muli nang pakawalan niya ang mga labi ko at pinaulanan ng maliliit na halik ang aking mukha, ilong at noo. Muli niya akong niyakap nang mahigpit. “Oh, God! Damn. I’m so happy right now, baby.”

Napahagikhik naman ako. “Me too, love. Sobrang saya ko ngayon.”

Malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere kasabay nang paglapat ng isang palad niya sa tiyan ko at masuyo iyong humaplos doon. “You don’t know how happy you made me right now, wife.” Pagkatapos ay lumuhod siya sa sahig habang nasa gitna siya ng mga hita ko. Yumuko pa siya at idinikit ang tainga niya sa tiyan ko.

“Love, hindi mo pa siya maririnig.” Saad ko sa kaniya.

Kunot ang noo na nag-angat naman siya ng tingin sa akin. “Why?”

Hinaplos ko ang mukha niya habang nakangiti pa rin ako sa kaniya nang matamis. “Kasi... hindi pa naman siya buo sa womb ko. Hindi ko pa alam kung ilang linggo pa lang siya sa loob.”

Tumango-tango naman siya at saglit na tinitigan ang tiyan ko. Mayamaya ay muling humaplos doon ang palad niya. “Then let’s go to the doctor to find out how many weeks you are pregnant, wife,” sabi niya. Dumukwang pa siya sa tiyan ko at hinalikan ako roon. “I’m excited to feel his kick.”

Bigla akong natawa dahil sa sinabi niya.

“What, wife?”

“Love, matagal pa ’yon. Ilang buwan pa bago mo maramdaman ang pagsipa ng anak mo.” Saad ko sa kaniya.

“Oh?”

Oh! Ang cute naman ng asawa ko! Masiyado nga siyang natuwa at na-excite na maging daddy, kaya ayan hindi na makapaghintay. Pagsipa ng anak niya ang agad na gusto niyang maramdaman, samantalang may isang buwan pa lang ata akong buntis.

“You are so excited, love. But don’t worry, mararamdaman mo rin ’yan.”

Ngumiti siyang muli at ipinulupot niya sa baywang ko ang mga braso niya. “I’m excited,” sabi niya. “Thank you, wife. I didn’t expect this good news this morning. I was just thinking last night, galit ka sa akin kaya kailangan kitang lambingin ngayon para mawala ang galit mo sa akin. God! I still can’t believe it. Magiging tatay na ako?!”

I wrapped my arms around his neck and oppress a kiss to his lips. He responded to my kisses. Light but full of love.

Oh, nag-uumapaw pa rin ang kaligayahan sa puso ko sa mga sandaling ito. Just like Hideo, I still can’t believe it na magiging mommy na ako. Na magiging parent na kami ng asawa ko.

Pagkatapos naming mag-almusal ni Hideo, kaagad din kaming nagpunta sa ospital para daw magpa-check up ako. He was actually more excited than me, kaya hindi ko na siya napigilan.

“Long time no see, bro!”

“How are you, brother?”

Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Hideo at sa doctor na kaibigan niya. Saglit silang nagyakap bago bumalik sa tabi ko ang asawa ko. Muli niyang ipinulupot sa baywang ko ang braso niya.

“I’m happy to see you again, Mr. Businessman.” Nakangiti pang saad ng guwapong doctor.

Oh, really Ysolde? Guwapong doctor talaga? Well, he’s handsome. At parang hindi ata nalalayo ang edad nito kay Hideo.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now