CHAPTER 38

451 23 0
                                    

BIGLANG nagsalubong ang mga kilay ni Hideo nang pagkapasok niya sa kaniyang opisina ay nakita niyang may lalaking nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nakatalikod ito sa direksyon ng pinto.

Katatapos lang ng kaniyang meeting sa conference room kasama ang board member at investors ng kumpanya niya, kaya kababalik lamang niya roon. Kanina pa sana natapos ang meeting nila kung hindi lamang siya na-late ng dating at kung hindi natagalan ang importanteng mga napag-usapan nila roon tungkol sa kumpanya.

Naglakad siya papasok ng tuluyan nang makilala niya ang lalaking naroon.

“What are you doing here?” seryosong tanong niya.

Gumalaw naman ang lalaki. Pinihit nito ang swivel chair paharap sa kaniya. Malapad na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito.

“How are you, brother?”

Biglang umigting ang panga niya nang tawagin siya nitong brother. Yeah right, it was Damiano, his younger brother. Kapatid niya ito sa ama. Matagal-tagal na rin simula nang huling beses nilang magkita. Simula bata pa man sila ay hindi niya ito itinuring na kapatid. Dahil si Damiano at ang ina nito ang sinisisi niya kung bakit nasira ang pamilya nila noon. Kung bakit hiniwalayan ng papa niya ang kaniyang ina at mas pinili ang mama ni Damiano. Isa rin ito sa mga kumakalaban sa negosyo niya. Ito ang may kagagawan kung bakit nagkaroon ng problema ang kaniyang negosyo no’ng nakaraang taon maging ang ibang mga shipment niya nitong mga nakaraang buwan bago pa man siya makauwi ng Pilipinas galing Cuba. Ito ang may utos kay Acosta at sa iba niyang mga tauhan para ilaglag ang negosyo niya.

“What are you doing here, Damiano?” ulit na tanong niya habang matalim ang kaniyang titig dito.

Muling ngumisi ng nakakaloko ang huli. “Is that how you welcome your brother?” balik na tanong nito sa kaniya. “Hindi mo man lang ako kukumustahin, Hideo?”

Ilang saglit niya itong tinitigan, pagkatapos ay nagpakawala siya nang malalim na paghinga saka siya naglakad papunta sa center table na nakapuwesto sa bandang gilid ng opisina niya. Dinampot niya roon ang bote ng alak at nagsalin siya sa isang baso.

“You’re not a guest here. You are also not welcome here in my building, so how can I welcome you, Damiano?” tanong niya at humarap dito. “Do you know what I want to do with you now instead of welcoming you?” dagdag na tanong pa niya.

Nakangisi pa rin ito sa kaniya.

“I want to kill you right now.” Muling saad niya.

“Really?” ani nito. “Bakit hindi mo gawin, Hideo?”

Naglakad siya papunta sa mahabang sofa at nakadekuwatrong umupo siya roon habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa ibabaw ng kaniyang hita. Hindi pa rin siya kumukurap habang matalim ang titig sa kaniyang kapatid.

“You can’t kill me, dahil kapatid mo ako!”

Siya naman ang ngumisi ng mapakla sa huli. Oh, damn it! Wala siyang pakialam kung kapatid niya man ito o hindi. Kaya niya itong patayin ngayon din kung gugustohin niya lang talaga. But of course, ayaw niya munang dungisan ng dugo ang kaniyang kamay sa mga sandaling iyon.

Dinala niya sa tapat ng kaniyang bibig ang baso at sumimsim siya roon. “I know what you did to my business, Damiano.” Saad niya at nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga.

“Alam kong alam mo na ako ang nagbayad kay Acosta para ilaglag ang shipment mo. Kaya mo nga ipinatay kay Guilherme si Acosta, hindi ba?” 

“Dahil iyon ang nababagay sa mga taong traydor,” aniya, “why are you doing this to me, Damiano?” tanong niya mayamaya. “Hanggang ngayon ba ay nilalamon ka pa rin ng inggit dahil sa akin?”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now