CHAPTER 23

555 26 7
                                    

BIGLA akong napahinto sa akma kong pagpalabas sa cubicle nang marinig ko ang tatlong babaeng empleyado ko na pumasok sa banyo at nag-uusap.

“Hoy, totoo ba talaga na may something kay Sir Hideo at Ma’am Ysolde?”

Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang tanong na iyon.

“Ay oo nga bes. Kanina usapan sa canteen ang tungkol kay Sir Hideo at Ma’am Ysolde,” sabi naman ng isang babae. “May nakakita raw sa kanilang dalawa kanina sa elevator. Nagki-kiss daw.”

“Talaga? Oh, my God!”

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko ngayon dahil sa mga narinig ko. Matutuwa ba ako dahil halata sa mga boses nila na kinikilig sila para sa amin ni Hideo, o maiinis ako kasi pinagchi-chismisan nila ako?

“Ang dinig ko rin kanina sa usapan ng dalawang janitress dito... nakita rin daw nila kagabi si Sir Hideo at Ma’am Ysolde na sabay na umalis dito. Magkahawak kamay pa raw. Tapos sa kotse ni sir sumakay si Ma’am Ysolde.”

“Talaga? Hay! Ang bagay pa naman nilang dalawa ano?”

“Sinabi mo pa. Kaysa roon sa babaeng nagpunta rito kahapon. Ano nga ulit ang pangalan n’on? Um, M-Marga? Marga ata ’yon. Kung makalingkis kahapon kay Sir Hideo akala niya ang ganda-ganda niya.”

“Oo nakita ko rin ang babaeng ’yon kahapon. Hindi naman maganda. Napuno lang ng make up ang mukha. Not like Ma’am Ysolde... kahit hindi siya maglagay ng make up maganda talaga siya.”

“True!”

Kahit bigla akong nainis nang maalala ko rin ang babaeng kasama ni Hideo kahapon sa opisina niya, napangiti na rin ako bigla dahil sa mga narinig ko pang usapan ng tatlo. Nagbuntong-hininga ako nang malalim ’tsaka ko binuksan ang pinto at lumabas. Kitang-kita ko ang reaction sa mga mukha nila nang makita nila ako roon. Nagkatinginan silang tatlo bago tumungo.

“Narinig tayo ni ma’am.” Bulong ng isa na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.

Hindi pa sila makatingin sa akin ng diretso nang maglakad ako palapit sa sink at naghugas ako ng kamay ko.

“Sorry po, Ma’am Ysolde.” Saad ng isa pang babae.

“Next time, kung may maririnig man kayong tsismis, hayaan n’yo na lang, okay? Huwag n’yo ng pag-usapan.” Saad ko sa seryosong boses at seryosong mukha. Pero hindi naman ako nagagalit sa kanila dahil pinagtsismisan nila ako.

Tumalikod na ako at lumabas ng banyo at bumalik na sa office ko. Nangunot pa ang noo ko nang pagkapasok ko sa opisina ko ay nadatnan ko roon si Hideo. Prenteng nakaupo sa visitor’s chair ko habang nakadikuwatro pa at hawak-hawak ang maliit na picture frame ko. Tinititigan niya ang picture ko roon.

“You’re so beautiful.”

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang sabihin niya iyon at tapunan niya ako ng tingin.

“What are you doing here?” tanong ko at naglakad na ako palapit sa mesa ko. Pero bago umupo sa swivel chair ko, inagaw ko muna sa kamay niya ang picture frame ko at ibinalik iyon kung saan iyon nakalagay. “Wala ka bang trabaho at nandito ka na naman para kulitin ako?” seryosong tanong ko sa kaniya.

“Well, wala naman talaga akong trabaho rito.”

Napatitig ako sa kaniya nang makaupo na ako. Sinasabi ko na nga ba, e! Kaya siya nandito sa Latorre Vino ay para inisin at sirain lang ang araw ko. Ginamit niya lang ang shares niya rito para makuha niya ako.

“I mean, wala akong masiyadong ginagawa rito.”

“E ’di umalis ka na rito,” sabi ko.

Ngumiti naman siya sa akin at tinitigan din ako ng mataman. Ilang segundong naghinang ang mga mata namin.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now