CHAPTER 6

636 38 7
                                    

ANNOUNCEMENT!!!

New link po ito, at pa-vote po ulit ng chapters 1 to 5. Inulit ko po ang pag-post nitong Book 2 dahil nagloloko ang naunang link. Kahit naka-published na ang Chapter 5, napupunta siya ulit sa DRAFT.

***

“YOU know what? I’m still wondering who might your secret admirer is sissy!” Shiloh said when we got back to my office.

I just frowned. Paano naman kasi, simula kanina habang kumakain kami ng lunch iyon ang paulit-ulit na sinasabi nito sa akin. Naiirita na ako. Unang-una, hindi naman kasi ako interesado tungkol sa bagay na iyon. Hindi ako interesadong malaman kung sino ang taong nagpapadala ng mga bulaklak na ’yon sa ’kin simula kagabi. Pero itong dalawang ito naman, mas atat pa kaysa sa akin na malaman kung sino ang poncio pilatong iyon.

“Iniisip ko rin bes kung sino ang secret admirer na ’yon,” segunda naman ni Jule at ngumiti pa sa ’kin nang makaupo ito sa isang visitor’s chair. “At excited akong makilala siya. Sana naman, sa susunod na magpadala siya ng bulaklak or anything, sana may pangalan ng kasama.”

“At talagang umaasa ka pa na magpapadala pa rin ng mga basura ang—kung sino man siya?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ko rito.

“Of course naman sissy, umaasa pa rin kami ni Jule.” Sagot ni Shiloh. “And FYI, those flowers are not a trash. Ang gaganda ng bulaklak, e! And you love tulips remember?”

“That’s what I told her earlier.” Ani Jule.

“Sayang naman. Why don’t you just accept it na lang sissy? Kung hindi mo kasi alam... ang mga secret admirer mas lalong ginaganahan na mag-effort sa palihim na panliligaw kapag ganitong suplada at masungit ang babae.”

Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin ako kay Shiloh nang makaupo na ako sa swivel chair ko. Ano raw? Ganoon ba ’yon? So, dahil sa ginawa ko kanina... asahan ko ng mauulit uli ’yon? Oh, God! Huwag na sana. Ayoko ng ganoon! Ito nga’t ako na ang usap-usapan sa buong building dahil sa mga bulaklak na iyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos tanggalin diyan sa labas ng office ko.

“That’s true!” saad naman ni Jule.

“Hey!”

Magkasalubong pa rin ang mga kilay ko nang mapatingin ako sa bumukas na pinto ng office ko. Pumasok si Kuya Sky at kasama nito si Kuya Cloud.

“What is happening outside?” nagtatakang tanong ni Kuya Sky.

Lumapit naman sa ’kin si Kuya Cloud at hinalikan ako sa ulo ko, while si Kuya Sky naman ay tumayo sa gilid ni Jule.

“Ba’t ang daming bulaklak?” tanong ulit ni Kuya Sky.

“Akala ko, wine ang business mo? Magpapatayo ka na rin ba ng flower shop kapatid ko?” nakangiti at pabirong tanong naman ni Kuya Cloud.

“Well, your little sister has a secret admirer na.” Nakangiti at mabilis na saad ni Shiloh sa mga kuya ko.

“What? Sino?” tanong ulit ni Kuya Ulap na ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay.

Napatingin dito ang apat.

“Alam mo ikaw Guilherme... guwapo ka naman e, minsan nga lang ang slow mo.” Nakairap namang saad ni Jule.

Lihim naman akong napangiti pati si Shiloh dahil sa mga sinabi ni Jule.

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Kuya Ulap at masamang tingin ang ipinukol kay Jule.

“Kaya nga secret kasi hindi alam kung sino. Sikreto. Walang may nakakaalam.” Saad pa ni Jule sa kuya ko.

“I’m just asking, Jule. Ano’ng malay ko, kunwari lang sikreto pero ang totoo ay alam mo pala.” Umismid din ito.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now