CHAPTER 31

491 23 2
                                    

PAGKADATING ko sa office ko ay kaagad kong tinapos ang trabaho kong naiwan ko kahapon. Wala pang kalahating oras ay natapos naman agad ako. Iniligpit ko agad ang mga gamit ko para makaalis na rin ako. Nangako kasi ako kay Hideo kanina na saglit lang ako at babalik din agad ako sa bahay niya.

Mayamaya ay pumasok si Maya sa office ko. “Ma’am, nasa line two po si Mr. Heracleo!” Ani nito.

“Thank you, Maya,” sabi ko at kaagad na kinuha sa lalagyan ang telepono ko. “Hello po, Mr. Heracleo, good morning po!”

“Hija, how are you?”

“Okay naman po,” sagot ko. “Pasensya na po pala kayo kung hindi na po ako nakabalik kagabi. Medyo... um, nahilo na po kasi ako dahil sa alak, e!” Pagpapaliwanag ko rito.

“That’s okay hija I understand you. Tumawag lang din ako ngayon para kumustahin ka. I was worried about you last night. Akala ko kasi ay may nangyari na sa ’yong hindi maganda. But I’m happy to know that you’re okay.”

Napangiti naman ako dahil sa nahimigan kong boses nito. Halata ngang nag-alala ito para sa akin dahil sa hindi ko na pagbalik sa function hall kagabi matapos akong magpaalam dito.

“Thank you po for your concern, Mr. Heracleo.”

“So, I will end this call hija. Panatag na ako ngayon na okay lang ang anak ni Bernard. Iyon lang talaga ang gusto kong malaman kaya tumawag ako sa ’yo.”

Muli akong napangiti. “Thank you po ulit. Bye, Mr. Heracleo.” Kaagad kong ibinalik sa lalagyan ang telepono ko at muling itinuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko. Pagkatapos ay tumayo na rin ako sa puwesto ko at isinukbit sa balikat ko ang bag ko. Naglakad na ako palabas ng office ko. “Maya!”

“Yes po, Ma’am Ysolde?”

“Can you cancel my schedule for today?” sabi ko.

“Pero po ma’am... may meeting po kayo this afternoon with Mr. Hunter Imperial. Remember po na pina-cancel niya rin po ang meeting ninyo last week kasi po may importanteng lakad po siya kaya po na re-schedule ’yon today?”

Nagpakawala ako nang malalim na paghinga at tiningnan ang oras sa suot kong wristwatch. I made a promise to Hideo. May sakit pa siya kaya hindi puwedeng balewalain ko siya at paghintayin sa bahay niya.

“Alright. Just give me Hunter’s phone number at ako na ang tatawag sa kaniya.”

“Sige po ma’am.” Kaagad din naman itong tumalima pagkatapos ay ibinigay sa akin ang maliit na papel kung saan nakasulat ang number ni Hunter.

Maybel and I are close friends kaya naging matalik na magkaibigan na rin kami ni Hunter. Maiintindihan naman siguro nito kung hindi na naman matutuloy ang meeting namin today.

“Thank you, Maya!”

“Ingat po kayo, ma’am.”

Tumango na lamang ako at naglakad na papunta sa elevator. Pagkalabas ko sa building ay naroon pa rin sa labas ng entrance si Arn at hinihintay ako. Nang makita ako nitong palapit na sa kotse ni Hideo ay kaagad ako nitong pinagbuksan sa backseat.

“Saan po tayo, Ma’am Ysolde?” tanong nito nang nasa biyahe na kami.

“Dumaan na muna tayo sa bahay at kukuha lang ako ng gamit ko roon.”

“Okay po!” nakangiti pang saad nito. “Ma’am,” mayamaya ay saad pa nito.

Napatingin naman ako rito. “Yes, Arn?”

Mula sa rare view mirror, tumingin ito sa akin at ngumiti. “Sorry again if I lied to you. Utos lang po kasi ni Boss Hideo. But I swear to God, I was about to tell you the truth but... pinagalitan po ako ni Boss Hideo kaya hindi ko na po sinabi sa inyo.” Pagpapaliwanag nito sa akin.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now