CHAPTER 13

589 31 3
                                    

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nakatayo ako sa maliit na balkunahe ng cottage ko. Nakatanaw lang ako sa mga taong naliligo sa dagat. May kalahating oras na ata akong nakatayo rito at hindi ko alam kung bakit nandito ako at nagtitiyaga sa pangangawit ng mga paa at binti ko. Wala pa rin sina kuya. Malamang na nag-enjoy sila sa pagpaligo roon sa falls na sinasabi sa akin ni Shiloh kanina.

I sighed again at iginala ko ang paningin ko sa buong beach. Ewan ko ba sa sarili ko, sa ginagawa ko ngayon para akong may hinihintay na dumating. Parang kanina pa ako naiinip habang pamasid-masid sa paligid. Well, alright. Hanggang ngayon kasi ay nasa isipan ko pa rin ang mga nangyari kanina sa amin ni Hideo. Ramdam ko pa ring nakadikit sa mga labi ko ang mga labi niya. The way he kissed me earlier; the way he stared at me; the way he touched my face... everything. Ramdam kong hanggang ngayon ay bahagya pa ring nangangatog ang mga tuhod ko. And it’s his fault dahil sa sinabi niya kanina na mag-uusap pa raw kami ngayon, heto ako at parang tanga na naghihintay sa kaniya. Umaasa ako na babalik siya rito sa cottage ko para magkausap kami, although hindi naman iyon ang gusto kong mangyari. I don’t want to see him again. I don’t want to talk to him again. Iyon ang sinasabi ng isipan ko, pero ang puso ko kontra naman sa ideyang iyon.

Argh! Nababaliw na ba ako? Simula nang masilayan ko ulit ang mukha niya kagabi sa beach, nagulo na ang isipan ko, ang buong sistema ko. Nagsimula na ring magtalo ang utak at puso ko. Kanina ko pa rin pinapagalitan ang sarili ko. Why did I let him kiss me earlier? Why did I let myself respond to his kiss? Dapat ay hindi iyon ang ginawa ko. I should be angry with him dahil malaki ang kasalanan niya sa ’kin. Pero hindi naman iyon ang nangyayari at hindi iyon ang nararamdaman ko simula nang makita ko ulit ang mukha niya. Instead, I felt so much loneliness when I saw him last night. Bumalik sa alaala ko kung gaano ako nasaktan nang malaman kong wala na siya. Na iniwanan na niya ako ng tuluyan. Last night when I saw him, gusto kong tumakbo palapit sa kaniya para yakapin siya nang mahigpit, damhin ulit ang init ng katawan niya, ang higpit ng yakap niya, halikan siya, tanungin siya kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa ’kin?

Then the next thing happened, galit ako sa kaniya at gusto ko siyang umalis at huwag na siyang magpapakita sa akin.

I don’t know. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Nagagalit pa rin ba ako sa kaniya dahil sa nagawa niyang kasalanan sa ’kin? O baka nagagalit lang ako sa kaniya kasi ’yon ang gusto kong maramdaman... ang magalit sa kaniya?

Pumikit ako nang mariin at humugot nang malalim na paghinga at saglit iyong inipon sa dibdib ko bago ’yon pinakawalan sa ere.

“What are you thinking?”

Gulat na napamulat ako at napahawak sa tapat ng dibdib ko nang marinig ko ang tinig na iyon. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang lumingon ako sa kaniya.

Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa ’kin.

“Jesus! You startled me.” Inis na saad ko sa kaniya at inirapan ko siya.

“Ang lalim kasi ng iniisip mo kaya hindi mo naramdaman ang paglapit ko rito sa tabi mo.”

“At kasalanan ko pa ngayon? Hindi ko naman sinabi na pumunta ka rito, a!” Sabi ko pa bago itinapon ang paningin ko sa dagat.

I heard him chuckled. “I thought you we’re waiting for me.”

Muli akong napalingon sa kaniya. “At bakit naman kita hihintayin?” patuyang tanong ko sa kaniya.

“Because I told you earlier that we’re going to talk.”

Alright. That’s it. Tama naman siya. I was waiting for him, in denial lang ako.

Hindi ako umimik, sa halip ay inabala ko ulit ang paningin ko sa mga taong naglalangoy sa dagat.

“How are you, Ysolde?” I heard him ask.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now