CHAPTER 37

488 19 0
                                    

PAGKAGISING ko kinabukasan, kaagad na bumungad sa paningin ko ang mukha ni Hideo na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagkakawala ko nang banayad ngunit malalim na buntong-hininga. Oh, God! Wala na talagang mas sasaya sa umaga ko kung sa tuwing gigising ako ay ang mukha ng mahal ko ang kaagad kong makikita.

Masuyong akong kumilos at mas lalong inilapit ang mukha ko sa kaniya. I gently rubbed the tip of my nose against his nose as I closed my eyes. Pagkatapos ay ginawaran ko iyon ng halik, maging ang mga labi niya. I stared at him for a few minutes bago ako nagpasyang kumilos sa puwesto ko para bumangon na. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko na nasa bedside table upang tingnan ang oras. And it’s already nine in the morning. Napahaba pala ang tulog namin ni Hideo. Paano naman kasi, anong oras na rin kami nakatulog kagabi dahil sobrang kulit ng isang ito. Hindi tumigil sa paglalambing sa akin hanggat hindi kami parehong pagod.

Muli ko siyang nilingon bago ko kinuha ang robe ko na nasa sahig. Muli kong isinuot iyon at naglakad papasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo, pagkalabas ko sa banyo ay sakto namang kagigising lang ni Hideo.

“Good morning, love!” Nakangiting bati ko sa kaniya habang inaayos ang towel na nakapusod sa buhok ko.

“Morning, wife.” Namamaos pa ang kaniyang boses. He leaned against the headboard of my bed while staring at me. “Why you didn’t wake me up, wife? Sana sumabay na ako sa pagligo mo.”

“You were sleeping peacefully earlier kaya hindi na kita ginising, love,” sabi ko at naglakad palapit sa closet ko para kumuha ng damit ko roon. Ramdam ko pa rin ang titig niya mula sa likuran ko. “Stop it!” Saway ko sa kaniya nang hindi man lang siya nililingon.

“I’m just happy, wife,” aniya.

Nakangiti pa rin akong lumingon sa kaniya saglit. “I love you!” Saad ko.

Tumayo naman siya sa kaniyang puwesto at naglakad palapit sa akin. He wrapped his arms around my waist and kissed my cheek and shoulder pagkatapos ay ipinatong niya roon ang kaniyang baba. Ramdam ko ang mahigpit ngunit masuyo niyang pagyakap sa akin.

“YA lyublyu tebya, Izol'da!”

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya. Bahagya ko siyang nilingon. “You said that word to me for the third time, but I still don’t know what that means,” sabi ko at hinawakan ang mga braso niyang nasa tiyan ko.

Muli niyang hinalikan ang pisngi ko at pinakawalan ako. Pinihit niya ako paharap sa kaniya at kaagad na kinintalan ng halik ang mga labi ko.

“I love you, Ysolde. That’s what I mean.”

Lumapad ang pagkakangiti ko sa kaniya. “Talaga?”

Muli niyang hinagkan ang mga labi ko pagkatapos ay masuyong hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. “Mahal kita. I love you. Te amo. Ya lyublyu tebya. Je t’aime. Ti voglio bene. Whatever the language is... I love you, Ysolde. I love you with all my heart.” He uttered those words while staring intently into my eyes.

Ewan, pero biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na kagatin ang pang-ilalim kong labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.

Pilit akong ngumiti sa kaniya kahit maluha-luha na ako. Tumingkayad ako at mabilis na umangat ang mga kamay ko at ikinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya, mariin kong hinagkan ang mga labi niya.

“At mahal na mahal din kita, Hideo.” Nang bumitaw ako sa mga labi niya. Malapad na ngiti pa rin ang sumilay sa mga labi ko. “I love you. I love you. I love you.” Paulit-ulit kong hinagkan muli ang mga labi niya. Pinuno ko rin ng halik ang pisngi niya pagkatapos ay mahigpit kong ipinulupot sa leeg niya ang mga braso ko. I hugged him tightly. “I love you.”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now