CHAPTER 24

485 26 7
                                    

ANG BUONG akala ko, magiging awkward para sa amin ni Hideo ang dinner date na ito. Pero mali ako. I enjoy this night. I enjoy the food. I enjoy his company. Hindi ko namamalayan na nag-e-enjoy na pala akong kausap siya. Well, hindi naman niya kasi ako ininis kagaya sa lagi niyang ginagawa sa akin these past few days. We just talked about anything. Nag-usap lang kami ng kahit ano’ng gusto naming itanong sa isa’t isa. Parang pakiramdam ko nga first date namin ito at nasa getting to know each other stage kami. May mga bagay akong nalaman about sa kaniya na kailanman ay hindi ko naitanong sa kaniya noon. Ganoon din naman sa ’kin, may mga bagay rin siyang nalaman tungkol sa akin na hindi niya rin nalaman dati.

Ang gaan at ang saya niyang kausap ngayon. Pakiramdam ko nga nawala na nang tuluyan ang sakit at kirot na nararamdaman ng puso ko para sa kaniya dahil sa pag-uusap namin ngayon. Parang bumalik kami sa dati bago pa man magkaroon ng problema sa pagitan namin. ’Yong mga sandaling unti-unti ng nagiging maganda ang relasyon namin. I was smiling the whole time. Tumatawa pa nga ako minsan dahil sa mga corny jokes niya. Hindi ko alam na marunong pala siyang mag-joke. Ang Hideo na kausap ko ngayon ay malayong-malayo sa Hideo na una kong nakilala noong bago lang ako sa isla niya.

“So, matagal ka na ba talagang nililigawan ng suitor mo?”

Mayamaya ay tanong niya sa akin.

Tumingin ako saglit sa kaniya. “Well...” ano ba? Sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o hindi? Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga ’tsaka dinampot ang baso ng tubig ko. Uminom ako roon. “Nito lang,” sa huli ay sagot ko sa kaniya.

“Really?”

“How about you? ’Yong babaeng kasama mo sa office mo, is she your... your girlfriend?” kahit medyo nakadama ako ng pagkainis nang maalala ko ang maarteng babae na ’yon.

Tumitig siya sa akin nang mataman pagkatapos ay ngumiti. “She’s not my girlfriend,” sagot niya.

Lumipad naman sa ere ang isang kilay ko. “Really?” alright, natutuwa ako na malamang hindi niya girlfriend ang babaeng ’yon. Pero naiinis pa rin ako dahil nakita ko silang naghahalikan that day.

“She’s Margareth.” Aniya. “She’s a fling while I was in Cuba.”

Oh, damn! So that means, nag-cheat siya sa akin habang magkalayo kami?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapasimangot sa kaniya. Ang tuwa na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nawawala dahil sa magkahalong inis, lungkot at kirot na bigla kong naramdaman. Naiinis ako dahil sa Marga na ’yon. Nalulungkot ako dahil sa ginawa niyang iyon. He’s married pero bakit kailangan pa niyang humanap ng ka-fling niya? May kirot din sa puso ko dahil sa isiping... may ibang babae siyang kasama the whole time na hindi kami nagkikita.

I let out a deep sigh as I focused my eyes on my food.

“I’m sorry.”

Dinig kong saad niya mayamaya.

Tumingin naman ako sa kaniya. “Why are you saying sorry?” tanong ko. But deep inside, I could still feel the pain.

Mataman niya akong tinitigan ng ilang segundo. At sa halip na sagutin niya ang tanong ko... nagtanong din siya sa akin.

“Are you done eating?”

Isang tango lamang ang isinagot ko sa kaniya.

Wala na! Nawala na ang sayang nararamdaman ng puso ko kanina.

Sumenyas siya sa waiter. Tahimik lang naman akong nakatingin sa kaniya. Pagkatapos niyang bayaran ang bill namin, tumayo na siya sa puwesto niya.

“Let’s go!” inilahad pa siya sa akin ang kamay niya.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now