CHAPTER 44

404 20 1
                                    

NAALIMPUNGATAN ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. Pagkamulat ko ng mga mata ko, unang bumungad sa paningin ko ay ang mukha ni Hideo na mahimbing ding natutulog habang yakap-yakap ako. Nakaunan ako sa isang braso niya habang ang isang braso naman niya ay mahigpit na nakapulupot sa baywang ko na parang ayaw akong pakawalan. Sobrang lapit din namin sa isa’t isa kaya tumatama sa mukha ko ang mainit niyang paghinga.

Wait, paano siya nakapasok dito sa kuwarto ko? Sa pagkakaalala ko kagabi, hindi ko binuksan ang sliding door at hinayaan ko siyang nasa veranda lang. Pero bakit nandito siya sa tabi ko ngayon at mahimbing na natutulog?

Mayamaya, nakita kong gumalaw ang mga talukap niya. Parang gigising na ata siya. Mabilis naman akong pumikit at nagkunwaring natutulog pa rin ako.

Ilang saglit lang ay naramdaman kong dumampi sa mga labi ko ang mainit niyang mga labi. He kissed me. And it was as if I wanted to respond to his kiss kasi tatlong araw ko ring hinanap-hanap ang mga halik niya sa akin. Pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin iyon. Naiinis pa rin ako sa kaniya.

Mula sa mga labi ko, naramdaman kong hinalikan niya rin ang pisngi ko, ang ilong ko, ang noo ko.

Oh, tini-tempt talaga ako ng lalaking ito!

“Hey, baby!” bulong niya at masuyong hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng kaniyang palad.

Hindi pa rin ako nagmumulat ng mga mata ko. But I’m sure na sobrang lapit niya pa rin sa akin dahil ramdam ko pa rin ang paghinga niya.

Mayamaya ay kunwaring kumilos ako at umungol. “Mmm!” dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko.

Saktong nagtama ang mga mata namin. And he was smiling at me. His smile is so sweet na parang gusto ko siyang yakapin at pupugin ng halik. Parang feeling ko biglang naglaho ang inis na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa ngiting iyon.

Walang-hiya talaga ang asawa kong ito! Alam na alam kung paano ako palalambutin.

“Morning, wife!” bati niya sa akin at mabilis na dumukwang upang halikan ulit ang mga labi ko.

Sinimangutan ko naman siya. “How did you get in here?” mataray na tanong ko sa kaniya.

“I used the main door.”

Nangunot ang noo ko. “Main door?” tanong ko. “Sino naman ang nagbukas sa ’yo sa ibaba e, tulog na si Manay? Wala rin dito si Jule.”

“I have my own ways to get in here, baby.” At muling hinapit ako sa baywang ko. “I wanted to break the glass door on your veranda last night so I could get in here, but I know you’ll be mad at me, so... I called back up para buksan ang main door ng bahay mo.” Pagpapaliwanag niya.

Napabuntomg-hininga na lamang ako habang seryoso pa rin akong nakatitig sa kaniya. Ibang klase talaga ang lalaking ito.

“Are you mad at me, wife?” tanong pa niya.

“Hindi ba halata?” sa halip ay balik na tanong ko sa kaniya at inirapan pa siya.

Ngumiti siyang muli at mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi ko. “I’m sorry, baby. I was just busy kaya—”

“Hindi kita makontak kahapon. Pinaghintay mo ako sa tawag mo kagabi. So, ano ang ini-expect mong gawin ko? Matuwa sa ’yo?” pagalit pang saad ko dahilan upang maputol ang kaniyang pagsasalita.

“I’m just—”

“Mas importante ba talaga ang trabaho mo kaysa sa akin?” pinutol ko ulit ang sasabihin niya.

“Of course not, wife. I’m just—”

“E bakit nga tatlong araw kang hindi nagpakita sa akin?”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now