CHAPTER 51

462 19 1
                                    

DINIG NA DINIG ko ang pagpapakawala ni kuya nang malalim na buntong-hininga. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa narinig kong usapan nila. What? Seryoso ba ang asawa ko? Hideo wants to kiss Kuya Ulap? But why? Dahil ba ito sa paghakbang ko sa kaniya? Oh, damn!

“Why do you want to kiss me?” pagalit na tanong pa rin ni kuya sa asawa ko.

“I... I don’t know.” Halata sa boses ni Hideo ang labis na frustration. “God! What is happening to me? I don’t know either why I feel like this, f*ck!”

Saglit na nanahimik ang dalawa. Gusto ko nang pumasok sa loob para isturbuhin ang pag-uusap nila, pero hindi ko pa maigalaw ang mga paa ko. Hindi ko rin malaman kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Maiinis ba ako o matatawa?! Kasi ngayon, unti-unti nang pumapasok sa isipan ko na baka nga isa ito sa paglilihi ng asawa ko para sa anak namin. Dahil nga hinakbangan ko si Hideo no’ng isang gabi kaya siya ngayon ang naglilihi na imbes ay ako.

“Just one kiss, Guilherme. F*ck!”

“Damn! Bro, hindi tayo talo. You’re not my type. Kung sana babae ka, kanina pa kita pinatulan. And, kilabutan ka nga... Asawa ka ng kapatid ko. Ano ang gusto mong mangyari, maging kabit mo ako? Ano ka bakla?!”

Napahagikhik ako nang mahina dahil sa mga sinabi ni Kuya Ulap sa asawa ko.

“Damn it, Guilherme. Kapag lumabas ang anak ko hinding-hindi ka makakalapit sa kaniya—”

“At dinamay mo pa ang pamangkin ko!”

“Of course. And you can’t do anything about it kapag sinabi kong hindi ka makakalapit sa anak ko. And—”

“Okay fine.”

Nanlaki ang mga mata ko. What? Papayag si kuya? Oh, holy lordy! Ano na ang nangyayari sa dalawang ito? Mabilis kong itinulak ang pinto at pumasok ako. Sakto namang nakita kong nasa harapan na ni Hideo si kuya. Hahawakan na sana nito ang mukha ng asawa ko.

Pareho pa silang gulat na napalingon sa may pinto; sa akin.

“What are you doing?” tanong ko.

“F*ck!”

Kaagad na tumalikod at lumayo kay Hideo si Kuya.

“W-Wife?”

Parang gusto kong matawa dahil sa mukha ng asawa ko. Para siyang babae na nahuli ng kaniyang mister na kasama ang kabit niya.

“Oh, gross! What happened to you, Love? Bakit mo naman gustong halikan ka ni Kuya?” tanong ko pa.

“W-Wife?!” nilingon pa niya si Kuya Ulap.

“Kapatid, it... It’s not—”

“God! May—”

“Oh no, wife!” Mabilis na saad ni Hideo at nagmamadali siyang lumapit sa akin. “Let me explain, wife.”

“Damn it. This is your fault, Hideo.” Naiinis na saad ni Kuya at nagmamadali na itong naglakad palabas ng library.

Naiwan kami ni Hideo rito.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere saka siya nag-aalangan na tumingin sa akin. Tila ba nahihiya siya. Napakamot pa siya sa kaniyang batok.

Hindi ko na napigilan ang matawa nang pagak na siyang ikinakunot ng kaniyang noo.

“Why are you laughing at me, wife?” tanong niya.

“Kasi nakakatawa kayo ni Kuya,” sabi ko. “God! Really, Love? You really want to kiss Kuya Guilherme?”

Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim pagkuwa’y naglakad palapit sa sofa na naroon sa sulok at pabagsak siyang umupo roon. Sumunod naman ako sa kaniya habang natatawa pa rin ako.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now