CHAPTER 26

508 24 1
                                    

SERYOSO lang akong nakatingin sa unahan ng sasakyan habang tahimik naman si Arn na nagmamaneho. I let out a deep sigh and looked at him again. I stared at him intently.

“You lied to me.” Mayamaya ay saad ko. Mahina man ang pagkakasabi ko n’on pero alam kong ramdam ni Arn na galit ako ngayon dahil sa nalaman ko, dahil sa pagsisinungaling nila sa akin.

“I’m sorry po, Ma’am Ysolde.” Mahinahong saad nito.

“Sorry?” tanong ko. “Pareho lang kayo ng boss mo mga sinungaling! Pinaglaruan lang ninyo ako.” Argh! Naiinis talaga ako ngayon! Nagagalit ako sa kanila ni Hideo. All these time pinaglalaruan lang nila akong dalawa! Pinagmukha nila akong tanga. God! Wala akong kamalay-malay na lahat ng ito ay gawa pala ni Hideo. Nagkunwari siyang secret admirer ko. Nagpadala ng kung anu-ano sa akin. Kaya pala lahat ng natatanggap ko ay gusto at paborito ko. Kasi siya naman pala ang nasa likod ng lahat ng ito. Like the tulips flower. The cookies and everything. Tapos siya ang palihim na umaakyat sa veranda ko kapag mahimbing na akong natutulog sa gabi. And worse... nagmukha akong tanga nang sabihin ko sa kaniya na may manliligaw ako at ipapakilala ko sa kaniya para sana pagselosin siya. Pero wala akong kaide-ideya na siya pala iyon. Oh, God! Ano na lamang ang iniisip nilang dalawa nang araw na sabihin kong may manliligaw ako? Malamang na pinagtatawanan na nila ako sa isipan nila. Pareho lang silang mag-amo!

Nagpakawala ulit ako nang malalim na buntong-hininga.

“I’m sorry po ulit, Ma’am Ysolde,”

“Don’t talk to me Arn. Naiinis ako sa ’yo.” Saad ko at ibinaling na lang sa labas ng bintana ang paningin ko.

Naging tahimik na ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Walang salita na bumaba ako sa front seat at pabalibag kong isinarado ang pinto at nagmamartsa nang pumasok sa gate, hanggang sa makapasok ako sa sala.

Nadatnan ko namang nasa sala si Jule at Kuya Giuseppe. Pareho pang nagtataka ang mga ito nang makita nila ako. Hindi siguro nila inaasahan na kauuwi ko lang sa bahay. Ang akala siguro nila ay umuwi ako kagabi pagkatapos ng dinner date namin ni Hideo.

“Bes, kakauwi mo lang?” tanong sa akin ni Jule.

Pero dahil naiinis pa rin ako, hindi ko ito pinansin at nagmamadali lang akong umakyat sa hagdan hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko.

“Argh, Hideo!” nanggigigil at pigil ang pagsigaw ko na ibinato ko sa kama ang picture frame na bitbit ko.

Nagtataas-baba pa ang dibdib at mga balikat ko dahil sa labis na inis. Nagparoo’t parito ako nang lakad habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Mayamaya ay nakarinig ako ng katok sa labas ng kuwarto ko bago bumukas ang pinto at sumulip si Jule.

“Hey, okay ka lang ba?” tanong nito at pumasok na ng tuluyan.

Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at naglakad palapit sa kama ko. Umupo ako sa gilid niyon.

“Bakit hindi ka pala umuwi kagabi?” tanong ulit ni Jule. “Saan ka natulog?”

“Sa bahay ni Hideo,” seryosong sagot ko.

Natigilan naman ito at napatitig sa mukha ko. Mayamaya ay ngumiti ito ng nakaloloko sa akin at tila nanunudyo. “Oh, my God! Don’t tell me—”

“Kung anuman ang iniisip mo ngayon Jule, walang nangyari na ganoon.” Mabilis na saad ko at napairap pa. “Alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon sa Hideo na ’yon?” tanong ko. “Naiinis ako! Nagagalit ako sa kaniya.” Tiim-bagang na saad ko pa.

“Huh? Bakit ano ang nangyari?” kunot ang noo na tanong nito.

“Nalaman ko lang naman na niloloko, pinaglalaruan lang pala ako ng Hideo na ’yon pati ni Arn.” Lintaya ko.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now