CHAPTER 18

545 28 6
                                    

“BOSS, pasensya na talaga! Talagang nagipit lang ako kay Acosta kaya wala akong nagawa kun’di sundin ang gusto niya.” Anang lalaki na medyo may edad na. Nakaluhod ito sa marmol na sahig habang nakatingin kay Ulap na prente namang nakaupo sa isang single couch.

“Alam mo Leo, kung ako lang ang masusunod... hahayaan naman kita kung kay Acosta ka papanig. Ang problema lang, hindi naman ako ang totoong boss mo. Kun’di si Hideo.” Anito habang nakadekuwatro at nilalaru-laro ang muzzle ng hawak nitong baril. “Kung ako lang ang masusunod, hahayaan na kita. Hindi na kita parurusahan. But... na kay Signore Hideo ang hatol. And let’s wait for him. Any minute ay nandito na siya. So, ngayon pa lang magrosaryo ka na baka sakaling magbago pa ang isip ng boss natin.”

Mas lalong rumihestro sa mukha ng lalaki ang labis na takot dahil sa mga sinabi ni Cloud. Sunod-sunod pa itong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

Mayamaya nga lamang ay bumukas ang pinto ng opisina ng lalaking tinawag ni Ulap sa pangalang Leo. Pumasok doon si Hideo habang seryoso ang mukha niya.

Mas lalong nabahala ang lalaking nakaluhod pa rin sa harapan ni Cloud.

“S-Signore Hideo!” nanginginig pa ang boses nito.

“Long time no see, Leo. How are you?” tanong ni Hideo habang seryoso siyang nakatitig sa lalaki na halatang nakatikim na rin ng suntok galing kay Cloud o sa ibang tauhan niya, dahil sa hitsura nito ngayon.

“Signore! M-maawa po kayo—”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ni Hideo ’tsaka naglakad lalo palapit sa lalaki.

“Alam mo naman na wala akong awa kapag negosyo ang pinag-uusapan Leo, hindi ba?”

“P-pero Signore Hideo, n-napilitan lang naman po ako na gawin ang utos ni Acosta dahil nagipit ako. Nagkaroon ako ng malaking utang sa kaniya—”

“Kaya inilaglag mo ang negosyo ko?”

“Patawarin mo po ako, Signore Hideo! P-pangako, h-hindi na po mauulit.”

“Isang taon akong nawala, Leo. And base on your record. Hindi lang ito ang ginawa mo sa negosyo kong hawak mo. So I don’t think I can give you another chance. Sa loob ng isang taon na nanahimik ako. No more transactions. No more shipping illegal items. Pero sigurado akong malaking halaga ng pera ko ang napaghati-hatian na ninyo, hindi ba?”

Hindi naman agad nakasagot ang lalaki. Sa halip ay sunod-sunod itong napalunok ng laway. Mayamaya, muli nitong ipinagsalikop ang mga palad. “P-patawarin mo po ako, Signore Hideo! Maawa kayo! May... may anak at asawa po ako. Huwag n’yo po akong papatayin.” Bakas sa mukha ang labis na takot.

“Bobo ka pala Leo, e!” anang Ulap at tumayo na rin sa puwesto nito. “Kilala mo naman ang boss natin. Alam mo kung ano ang rules niya, pero nagawa mo pa ring makianib kay Acosta. Inilaglag mo pa ang ibang shipping natin.”

“Boss Ulap, n-nagawa ko lang naman po ’yon... d-dahil iyon ang utos ng boss ni Acosta.”

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Hideo dahil sa sinabi ng kaniyang tauhan.

“What do you mean?” tanong niya.

Maging ito man ay nagulat din. Hindi makapaniwalang nakapagbitaw ito ng salita na dapat ay hindi nito sasabihin. Muli itong napalunok ng laway.

“Ano ang ibig mong sabihin, Leo? Na bukod kay Acosta, may boss pa kayo na nagbabayad sa inyo ng malaking halaga?” tanong ni Ulap.

“Boss Ulap, Signore Hideo—”

“Just answer my damn question!” galit na saad ni Ulap at tinadyakan sa dibdib ang lalaki. Naging dahilan iyon upang matumba ito sa marmol na sahig.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now