CHAPTER 20

536 22 4
                                    

“JESUS!” gulat na sambit ko at napahawak pa sa tapat ng dibdib ko nang pagkapasok ko sa pantry room ay naroon din pala si Hideo. Nakasandal siya sa gilid ng pinto habang may hawak na bottled water at nakapamulsa pa ang isang kamay, habang ang isang paa naman niya ay nakatukod sa pader.

Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya pagkatapos kong magpakawala nang malalim na buntong-hininga.

“You startled me!” inis na saad ko pa sa kaniya.

“Magugulatin ka pala!” aniya at ngumiti pa.

Umirap lang ako sa kaniya ’tsaka naglakad palapit sa lalagyan ng mga snacks at coffee. Nagpunta ako sa pantry room kasi gusto kong magtimpla ng kape. Hindi kasi ako mapakali kanina pa dahil sa problema ko. Dahil hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung saan ako hahanap ng lalaking magpapanggap na manliligaw ko para ipakilala kay Hideo. Paano naman kasi, hindi ko napilit si Arn kanina na sabihin sa akin kung sino ang boss nito at hindi rin nito ibinigay sa akin ang contact number nito. Nakakainis naman!

God! Mas lalo akong na-stress. Nagsisisi talaga ako kung bakit iyon pa ang sinabi ko sa kaniya kanina!

“Matagal ka na bang nililigawan ng suitor mo?” He asked.

Mula rin sa gilid ng mata ko, nakita kong humakbang siya palapit sa akin.

“And why are you asking?” balik na tanong ko habang nakatuon ang atensyon ko sa pagtimpla ng kape ko.

“Well, gusto ko lang malaman kung ganoon lang ba kadali para sa ’yo na pinalitan mo ako riyan sa puso mo. I mean, you love me Ysolde.”

Bigla akong natigilan sa ginagawa ko ’tsaka nag-angat ng mukha at tiningnan siya. Seryoso na naman ang mukha niya ngayon habang nakatitig sa ’kin. And there, my heart starts pounding again. At habang tumatagal na magkahinang ang mga mata namin ay mas lalo lamang iyon lumalakas nang lumalakas.

Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin sa kaniya mayamaya. Muli akong tumungo at hinalo-halo ang kape ko.

God knows how much I still love him. Kahit kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko para sa kaniya. I do still love him. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi niya sa akin dati... that he love me too. Pero hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal niyang iyon hanggat nandito pa rin sa puso ko ang sakit dahil sa ginawa niya sa papa ko.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere at muling nag-angat ng mukha upang tingnan siya.

“Hindi naman mahirap mag-move on Hideo. Lalo na kung ganoong sakit at sugat ang ginawa mo sa puso ko dahil sa pagkawala ni papa.” Seryosong saad ko sa kaniya. Oh, God! I’m such a liar! Bakit kailangan ko pang magsinungaling sa kaniya tungkol sa totoo kong nararamdaman para sa kaniya? Para ano? Para gumanti dahil sa kasalanan niya sa akin?

Nagpakawala rin siya nang malalim na buntong-hininga pagkuwa’y tumango-tango. “I understand you,” aniya at bumaba ang tingin niya sa kamay ko.

Nang tumungo rin ako at nakita ko kung ano ang tinitingnan niya sa kamay ko... mabilis kong tinakpan ang daliri ko kung saan nakasuot pa rin ang wedding ring ko na bigay niya sa akin nang gabing ikinasal kami sa loob lang ng opisina niya sa isla. Dahil sa pagkapahiya ko, muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Mayamaya lang ay may nag-ring na cellphone. Mabilis naman siyang kumilos at dinukot sa bulsa niya ang kaniyang cellphone.

“Oh, by the way... can you please make me a cup of coffee,” sabi niya ’tsaka sinagot ang tawag sa kaniya at naglakad na palabas ng pantry room.

Napakunot noo na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin. Ang seryosong emosyon na nararamdaman ko kanina ay biglang napalitan ng inis dahil sa utos niya sa ’kin. Seriously? Ako ang boss dito pero ang damuhong ’yon ako pa ang inutusan niyang magtimpla ng kape niya!

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now