CHAPTER 43

414 21 2
                                    

“PATAWAD PO, SIGNORE HIDEO! Hindi ko naman po akalain na lilinlangin lang ako ni Damiano, e! Bibigyan niya raw ako ng malaking pera basta sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa shipment ng cocaines natin. Pero—ahhh!” sigaw na daing ng lalaki nang tadyakan ito ni Ulap na naging dahilan ng malakas na pagkatumba nito sa marmol na sahig.

Nakatiim-bagang si Hideo habang prente pa rin siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Nasa warehouse nila siya ngayon. Tatlong araw na simula nang umuwi sila sa Maynila galing sa isla. Kung hindi nga lamang nagkaroon ng problema na naman ang isang malaking shipment ng cocaine at mga armas niya, wala pa siyang balak na tapusin ang masayang bakasyon nila ng kaniyang asawa. Ngunit hindi talaga natakot sa kaniya ang kapatid niyang si Damiano. Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin nitong sirain ang kaniyang negosyo.

“S-Signore Hideo!” umiiyak na saad ng lalaki. Tauhan niya rin ito, isa sa pinagkakatiwalaan niya sa malalaking shipment ng negosyo niya. Pero dahil nasilaw ito sa malaking pera ni Damiano, heto at ang lakas ng loob na kalabanin siya. Hindi man lang natakot sa kaniya.

“Kilala mo ako, Manuel. Kilala mo kung paano ako magalit, pero bakit pumanig ka pa rin kay Damiano? Bakit, naliliitan ka pa rin ba sa perang ibinibigay ko sa ’yo?” mababa man ang kaniyang boses, ngunit bakas pa rin doon ang labis niyang galit sa lalaki maging sa kaniyang kapatid.

Umiling-iling ang lalaki habang dumudugo na ang buong mukha nito dahil sa suntok at tadyak na ginawa rito ni Ulap simula pa kanina. Muli itong lumuhod.

“H-Hindi po, Signore. T-Talagang natagilid lang po ako. P-Patawarin mo po ako, Signore Hideo.”

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan sa ere pagkuwa’y inilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang hawak niyang rock glass. Kinuha niya naman ang 45 caliber gun niya.

Mas lalong nanginig sa takot ang lalaki.

“S-Signore. H-Huwag po mo akong papatayin, Signore Hideo. Patawad po! A-Aayusin... aayusin ko po ang nagawa kong pagkakamali. Parang awa n’yo na po! Huwag n’yo akong papatayin.”

“At sa tangin mo maibabalik pa sa akin ang bilyones na nawala sa akin dahil sa pagtatraydor mo, Manuel?” tanong niya at muli siyang sumandal sa kaniyang swivel chair. Nilaru-laro ng kaniyang daliri ang muzzle ng baril na hawak niya.

“G-Gagawin ko po ang lahat, Signore Hideo. Huwag... huwag mo lang po akong papatayin, parang awa mo na!”

“Kung sana una pa lang ay naisip mo ng papatayin ka ni Hideo, sana noon pa lang hindi mo na ginawa ang gusto ni Damiano. Alam mo namang hindi ka makakaligtas kay Hideo, e! Kahit saang lupalop ka pa ng mundo magtago, Manuel. Papatayin ka pa rin ni Hideo.” Saad naman ni Ulap habang nakatayo pa rin ito sa tabi ng lalaki.

Nahihintatakutan pa rin ang lalaki. “B-Boss Ulap, t-tulungan mo po ako!” tumingala ang lalaki kay Ulap pagkuwa’y humawak sa kamay ng binata. “Pakiusap, tulungan mo po ako!”

Ngumisi lamang si Ulap pagkuwa’y iwinaksi ang mga kamay ng lalaki.

Mayamaya ay tumayo sa puwesto niya si Hideo at naglakad paikot sa lamesa. Mas lalong nahintatakutan ang lalaki dahil sa paglapit ni Hideo rito.

“There is nothing you can do to give me back the billions I lost, Manuel.” Tiim-bagang na saad niya sa lalaki. Mayamaya ay iniabot sa kaniya ni Ulap ang silincer ng baril.

“Signore Hideo, parang awa mo na po! Pakiusap, huwag n’yo po akong papatayin!” mas lalong lumakas ang pag-iyak at pagmamakaawa ng lalaki sa kaniya.

Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga habang ikinakabit niya sa muzzle ng baril niya ang silincer. Mabait siyang amo, pero oras na ginago at tinraydor siya, kahit sino walang siyang pinapalampas. Kahit sino kaya niyang patayin. At alam iyon ng mga tauhan niya. Pero may mga katulad pa rin nitong si Manuel at Acosta na kayang traydurin siya.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now