CHAPTER 49

382 15 1
                                    

MAHIGIT isang linggo akong nanatili sa ospital. Ang sabi naman ni Caspian ay hindi ko na kailangang magtagal doon dahil okay naman na ako at wala namang problema sa baby ko. Pero dahil sa pagpupumilit ng asawa ko na manatili pa kami roon para masigurong okay na talaga kami ng anak namin, wala na rin akong nagawa kun’di ang pagbigyan siya.

Sa ilang araw na pananatili ko sa ospital, hindi ako iniwanan ni Hideo kagaya sa sinabi niya sa akin. Lagi siyang nasa tabi ko para alalayan at alagaan ako. Siya ang gumagawa nang lahat para sa akin.

Nalaman ko rin mula sa kaniya na wala na si Damiano, ang kapatid niya na dumukot sa akin. Hindi na niya ikinuwento sa akin ang lahat ng nangyari nang araw na nadukot ako, pero sigurado akong wala na akong dapat na ipag-alala tungkol sa mga taong nanakit sa akin at sa anak namin. Naniniwala akong kapag sinabi ni Hideo na okay na at wala na akong dapat na ipag-alala... I need to trust him.

Si Arn naman, nagpapasalamat din ako na hindi ito tuluyang napuruhan. Natamaan ito ng bala sa ulo no’ng araw na kinuha ako ng mga armadong lalaki, pero ang sabi ni Kuya Ulap, daplis lang daw kaya awa ng Diyos ay nakaligtas din ito. Labis akong nagpapasalamat dahil doon.

Nang isang araw din ay napag-usapan na namin ni Hideo ang tungkol sa kasal namin sa simbahan. Gusto sana niyang sa susunod na buwan ay ikasal na kami, pero tinutulan ko naman ang desisyon niyang iyon. Ang sabi ko sa kaniya, hihintayin ko na muna na lumabas ang anak namin bago kami ikasal. At hindi naman siya tumutol sa sinabi ko. Ayon sa kaniya, mas okay rin daw iyon upang kasama na namin ang anak namin sa pinakaimportanteng araw sa buhay naming mag-asawa. Ang panganay raw namin ang gagawin naming ring bearer, sabi niya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang masuyo pa ring humahaplos ang palad ko sa aking tiyan.

“I’m excited to see you, baby!” nakangiting saad ko mayamaya.

“Hi, wife!”

Napalingon ako sa pinto ng kuwarto niya. Nakaupo ako sa gilid ng kama niya. Simula nang lumabas ako sa ospital, dito na ako sa bahay niya tumira. Nandito rin si Manay Salve. Si Kuya Sky, si Kuya Ulap at Jule naman ay dumadalaw rin dito para kumustahin ako.

“Nandiyan ka na pala, love!” saad ko sa kaniya.

Umalis siya kanina saglit dahil may gagawin lang daw siyang importante. Kasama ko naman dito sina Kuya Ulap at Kuya Sky kaya panatag ako.

“What are you doing?” nakangiting tanong niya sa akin nang makalapit na siya nang tuluyan sa puwesto ko. Hinagkan niya ang ulo at noo ko bago siya umupo sa tabi ko at ipinulupot sa baywang ko ang isang braso niya. Hinawakan niya rin ang palad kong nasa tiyan ko.

Ngumiti ako ulit sa kaniya. “Nothing. Kinakausap ko lang ang baby natin,” sabi ko sa kaniya.

“About what?”

Banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga saka ipinilig sa dibdib niya ang ulo ko. “Nagpapasalamat lang ako sa kaniya na hindi siya nawala sa atin. Hindi niya tayo agad iniwanan.”

Naramdaman kong hinalikan niya ulit ang noo ko at masuyong hinaplos ang tiyan ko. “Me too wife. I’m so thankful na hindi siya nawala sa atin. And I’m so happy and excited na rin na lumabas siya.”

“Mabilis lang ang araw, Love.”

“I can’t wait.”

Muli akong napangiti at mas lalo pang nagsumiksik sa kaniya. Oh, God! Sa puntong ito ng buhay ko, wala na akong ibang masabi at mahihiling pa. Kontento na ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon. Maalaga at mapagmahal na asawa, and soon, magiging magulang na rin kami. Sobra-sobra na ang lahat ng mayroon ako ngayon.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now