CHAPTER 27

478 20 8
                                    

“GOOD MORNING!”

Hindi ako nag-angat ng mukha nang marinig ko ang boses ni Hideo nang pumasok siya sa office ko. Nanatiling nakatuon lamang sa monitor ng laptop ko ang mga mata ko.

“I said good morning.” Ulit na saad niya at naglakad palapit sa mesa ko. Umupo siya sa visitor’s chair ko.

Banayad ngunit malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere bago ako nag-angat ng mukha upang tingnan siya ng seryoso. God, kung nakakamatay lang ang matalim na titig, I’m sure na bubulagta agad ngayon sa harapan ko ang Hideo na ito!

“What are you doing here?” Seryosong tanong ko sa kaniya.

“I just want to see you. Iniwan mo kasi ako kanina sa bahay habang natutulog pa ako.”

Saglit ko pa siyang tinitigan nang seryoso bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Get lost, Hideo. I don’t want to see you. I don’t want to talk to you.” Saad ko.

“What? Why? I mean, I thought we’re okay now after our dinner date last night?”

“Umalis ka sa harapan ko ngayon bago pa tuluyang masira ang araw ko.” Walang buhay na saad ko sa kaniya.

“Baby—”

“Come on, Hideo! Hindi ka ba marunong makaintindi? Hindi ka pa ba titigil sa palabas mo?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtaas ng boses sa kaniya at muli siyang tiningnan ng masama. “Please leave because I don’t want to talk to you, I don’t want to argue with right now.” Saad ko pa.

Bumuntong-hininga rin siya nang malalim habang nakatitig pa rin nang mataman sa mga mata ko. “Alright. I’m sorry,” aniya. “I know galit ka talaga ngayon sa akin dahil sa nalaman mo—”

“Talagang nagagalit ako sa ’yo dahil sa pagsisinungaling mo sa ’kin.” Mariing saad ko sa kaniya dahilan upang maputol ang kaniyang pagsasalita. Pinipilit ko pa rin ang sarili ko na kumalma.

“I’m really sorry—”

“I don’t need your sorry, Hideo. You lied to me and—”

“I did that on purpose, Ysolde.” Mabilis ding saad niya sa akin. “I mean, I... I was about to tell you the other day na ako ang nagpapadala sa ’yo ng mga deliveries na ’yon. Pero sinabi mo namang may manliligaw ka. Ayoko lang na... na mapahiya ka kung sinabi ko sa ’yong wala ka talagang manliligaw at galing sa akin ang lahat ng ’yon.”

“Still you lied to me, Hideo. Dinagdagan mo lang ang kasalanan mo sa ’kin.”

“That’s why I’m sorry. Sasabihin ko naman sa ’yo ang totoo—”

“Kailan? Kapag sobra na akong naging tanga dahil sa palabas mo? Dahil sa palabas ninyo ni Arn?” Galit na tanong ko. “Ginawa mo akong katawa-tawa Hideo.”

Nanahimik naman siya pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Hindi pa rin ako nag-iiwas ng tingin sa kaniya. Gusto kong iparamdam sa kaniya na nagagalit ako nang husto sa kaniya dahil sa mga ginawa niya sa akin, nila ni Arn.

“Get out of my office, Hideo. This conversation is done. Ayoko kitang makita at makausap.” Saad ko pa at ako na ang pumutol sa titigan naming dalawa. Muli kong itinuon sa monitor ng laptop ko ang paningin ko.

Mayamaya ay tumayo naman siya sa puwesto niya at walang salita na lumabas sa opisina ko.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho ko kahit naiinis pa rin ako at hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko. Kung hindi ko aabalahin ang sarili ko sa mga bagay-bagay, baka mabaliw ako bigla sa kakaisip sa mga ginawa ni Hideo sa akin. Dahil sa pagsisinungaling niya sa akin.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now