CHAPTER 2

828 18 1
                                    

PAGKARATING namin sa bahay, naroon nga sina Kuya Sky, Kuya Ulap at si Morgon. Nagkukuwentohan sila sa sala.

"Hey buttercup!"

I could see the wide smile on Shiloh's lips when she saw her boyfriend. Kaagad namang tumayo sa puwesto nito si Morgon at sinalubong si Shiloh. They kiss each other na ikinaismid naman ni Jule. Samantalang nagkatinginan naman kami ni Kuya Ulap at napatingin din kay Kuya Sky at Jule.

"I miss you cupcake." Saad naman ni Morgon at ipinulupot ang isang braso sa baywang ni Shiloh.

Pinaikot naman ni Jule ang mga mata nito saka naglakad na papunta sa kusina.

"Bakit naman kasi sa harap ng mga bitter at single kayo naglalambingan?" natatawang tanong ni Kuya Ulap.

"I'm sorry bro. Ganoon lang talaga kami ka-sweet ng cupcake ko."

"Yeah right!"

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakangiti nang tumayo na rin si Kuya Sky sa puwesto nito at sumunod kay Jule sa kusina. Ako naman ay naglakad palapit kay Kuya Ulap.

"Where is Kuya Kidlat?" tanong ko. I thought he was also here.

"Nasa Pangasinan siya ngayon. May inaasikaso lang doon. Bukas pa 'yon babalik."

"Ah!" napatango na lamang ako.

"By the way sissy, aalis na rin kami huh! May date pa kami, e!" Sabi ni Shiloh.

"Yeah sure. Mag-iingat kayo and enjoy your date." Lumapit pa ako sa kanilang dalawa ni Morgon. Nagpalitan kami ng halik sa pisngi bago sila umalis at naiwan kami ni Kuya Ulap sa sala. Nasa kusina pa rin ang dalawa. I'm sure na nangungulit na naman si Kuya Sky kay Jule.

"I'll go upstairs kuya," sabi ko.

"Hindi ka ba kakain muna?"

"Mamaya na lang siguro. Hindi pa naman ako nagugutom, e!" Sagot ko. "Dito ba kayo matutulog ngayon?"

"Uuwi rin ako sa condo ko mamaya. Ewan ko lang sa isang 'yon kung hanggang bukas na naman niya susuyuin ang labidabs niya."

Napangiti naman ako sa sinabi nito. Well, may mga pagkakataon kasing dito sa bahay natutulog si Kuya Sky para daw maya't maya ang panunuyo nito kay Jule. Minsan nga, sa labas na ng kuwarto ni Jule natulog ang isang 'yon nang hindi ito pansinin ng magaling kong kaibigan. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako o maawa sa kapatid ko. Pero sa kabilang banda, okay na rin 'yon, para at least, mabuo ulit ang tiwala ni Jule kay kuya. After all, ito naman talaga ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay noon.

"Bye kuya. Good night and... mag-iingat ka sa pagda-drive mamaya pauwi."

Tumayo naman ito sa puwesto nito at lumapit sa akin and he kissed my forehead.

"Night. Love you!"

"I love you, too!"

Sa kanilang tatlo, si Kuya Ulap talaga ang masasabi kong sobrang close ko. I mean, ibang level ang closeness namin sa isa't isa kumpara kay Kuya Giulio at Kuya Giuseppe. Ito rin ang madalas na mag I love you sa 'kin at madalas na sweet. Noong una, medyo naiilang at naninibago pa ako kapag sinasabihan ako nito ng ganoon, o kaya ay ako ang nagsasabi ng ganoon dito. But as time goes by, nasanay na rin ako. Ang sabi naman ni Manay Salve sa 'kin... hindi iyon ang unang beses na naging sweet sa 'kin si Kuya Ulap. Dati, nang maliit pa ako, hindi lang iisang beses na binibisita ako ng triplets para makipag-bonding sa 'kin. Ewan ko kung bakit hindi ko 'yon maalala. Basta may ipinakita sila sa akin na mga picture namin noong maliit pa ako. Roon lang ako naniwala.

Pagkapanhik ko sa kuwarto ko, saglit lang akong nagpahinga sa ibabaw ng kama ko. Pagkatapos ay nagtungo na rin ako sa banyo para maglinis ng katawan ko. Medyo pagod at inaantok na rin kasi ako dahil wala akong maayos na tulog sa nagdaang gabi. Saglit akong nagbabad sa bathtub bago nagbanlaw at nagbihis na rin ng pantulog ko. Mamaya na lang siguro ako bababa sa kusina para kumain kapag nagutom ako.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now