CHAPTER 39

453 20 0
                                    

SUNOD-SUNOD na tumulo ang mga luha sa mata ko habang nakatitig ako sa kay Hideo. Ang pangangatog ng mga tuhod ko ay mas lalo pang tumindi. Halos mawalan pa ako ng balanse at mabuwal ako sa kinatatayuan ko kung hindi niya lang ako maagap na nahawakan sa baywang ko at napahawak din ako sa palapulsuhan niya.

Oh, God! Is this real? Totoo ba talagang nasa harapan ko ngayon si Hideo at inaalok niya ako ng kasal? He’s asking me to marry him?

Bumuka ang bibig ko at gusto kong magsalita, pero wala naman kataga ang namutawi sa bibig ko. Sa halip ay naramdaman ko lang ang pangangatal ng mga labi ko kaya hindi ko na napigilan ang mapatutop sa bibig ko.

I saw him smiled at me again. “Baby, please answer me. Will you marry me again?” tanong niya ulit.

Mas lalo akong napaluha pagkuwa’y dahan-dahan na tumango sa kaniya. “Y-Yes! Yes, Hideo. I... I will... I will marry you again,” sagot ko.

Kitang-kita ko ang mas lalong paglapad ng ngiti sa mga labi niya pagkuwa’y binitawan niya ang baywang ko at kinuha ang kamay ko na may hawak pa rin sa kuwentas namin. Kinuha niya iyon sa kamay ko at isinuot niya sa daliri ko ang singsing. I’m sure that ring is so expensive. Kitang-kita ko ang malaking bato na nasa ibabaw niyon. Nanginginig pa ang kamay ko habang isinusuot niya iyon sa daliri ko. Pagkatapos ay hinalikan niya ang palad ko.

“Oh, I love you, baby!” Bigla siyang tumayo at walang paalam na ikinulong sa mga palad niya ang mukha ko at hinagkan ang mga labi ko.

Wala naman akong nagawa kun’di ipulupot sa leeg niya ang mga braso ko at buong pusong tinugon ang halik niya.

Ilang minutong magkahinang ang mga labi namin bago niya ako pinakawalan at niyakap niya ako nang mahigpit.

“I love you, Ysolde.” Bulong niya pa sa akin.

“I love you too, Hideo.”

Ilang saglit pa ay pinakawalan niya ako. Ikinulong niya muli sa mga palad niya ang mukha ko. Gamit ang mga hinlalaki ay pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at paulit-ulit na hinagkan muli ang mga labi ko.

“Thank you, wife.”

“Oh, Hideo! This is the best surprise that happened in my whole life,” sabi ko sa kaniya at tinitigan ang kamay ko. Mayamaya ay muli akong tumingkayad upang muli siyang yakapin nang mahigpit. “I love you so much, Hideo.”

I didn’t expected this to happen. Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ko ang tungkol dito. Hindi ako nagkaroon ng kahit kaunting idea lang na magpo-propose pa siya sa akin since tapos naman na kaming ikinasal noon.

And the necklace. Dati pa pala ay natanggap ko na ang proposal niya. Nang araw na ibinigay iyon sa akin ni Arn, hindi ko naman iyon ginalaw sa lalagyan. Binuksan ko lang iyon para tingnan kung ano ang laman ng box, pero hindi ko iyon kinuha kaya wala akong ideya na may ganoon palang mangyayari ngayon. Naalala ko rin ang naging usapan namin kanina sa kuwarto ko. Naalala ko ang sinabi niya habang isinusuot niya iyon sa leeg ko.

That’s expensive and special, so, ingatan mo ’yan dahil malaki ang silbi niyan sa relasyon natin.

Ito pala ang ibig niyang sabihin. Malaki nga talaga ang silbi ng kuwentas na ito para sa relasyon namin. God! Hindi kasi ako mausisa sa mga bagay kung minsan kaya hindi ko nakita kanina na may ganito pala siyang pakulo sa akin ngayon.

I’m so happy right now. Sobrang saya ko ngayon na parang lalabas na sa ribcage ko ang puso ko dahil sa sobrang kaligayahan na dulot sa akin ng mahal ko.

Oh, sweet Jesus! Marami man kaming mga pinagdaanan dati na hindi maganda, sa mga sandaling ito lalo kong napatunayan sa sarili ko na tama nga ang naging desisyon kong tanggapin siya ulit sa buhay ko.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now