CHAPTER 46

389 21 3
                                    

“GOOD MORNING to my lovely wife, and lovely future mommy!”

Napangiti akong bigla nang pagkamulat pa lamang ng mga mata ko ay si Hideo agad ang nakita ko. Papasok na siya sa pinto ng kuwarto habang may bitbit siyang tray at may nakapatong na pagkain.

“Morning, love!” Kumilos ako sa puwesto ko upang sumandal sa headboard ng kama.

Nang mailapag niya sa paanan ng kama ang dala niya ay kaagad siyang umupo sa tabi ko at dumukwang sa akin at hinagkan ang mga labi ko. Yumuko rin siya sa tiyan ko at humalik doon pagkatapos ay humaplos ang kaniyang palad doon. “Good morning to my baby boy. How are you and mommy sleeping huh?”

Bahagya akong napahagikhik dahil sa sinabi niya. “Love, hindi pa natin alam kung baby boy or baby girl ang baby natin.” Saad ko sa kaniya.

Tumingin lang siya sa akin saglit bago muling tiningnan ang tiyan ko. Inangat pa niya ang damit ko at masuyong muling humaplos-haplos doon ang kaniyang palad. “I had a dream last night, lalaki raw ang magiging baby natin, wife,” nakangiting sabi niya.

Nangunot naman ang noo ko. “Really?”

Tumango siya. “Yeah.”

“Or baka naman... Pareho ka lang kay kuya na masiyadong excited na magkaroon ng pamangkin kaya inunahan agad na lalaki ang pamangkin niya?”

Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay muling yumuko at ginawaran ng ilang beses na halik ang tiyan ko. “We’re just excited, wife. But I’m sure... Lalaki ang magiging anak natin.” Giit pa niya.

Nagkibit-balikat na lamang ako habang may ngiti pa rin sa mga labi ko. “Okay. Kung ’yon ang iniisip mo ngayon.” Saad ko na lang at pinagmasdan ko siya habang bumubulong sa tiyan ko.

Oh! Ang sarap lang sa pakiramdam na makitang ganiyan siya ngayon. Sobrang laki na talaga ng ipinagbago ni Hideo. Simula sa pagiging masungit, seryoso, nakakatakot, ngayon naman... Sobrang soft niya tingnan kapag kami lang ang magkasama. Sobrang bait niya. Napaka-caring. Napaka-loving niyang asawa. At ngayon pa lamang ay nakikita ko nang magiging mabuti siyang daddy kapag lumabas na ang magiging anak namin. I’m so excited. Hindi na ako makapaghintay na makita kung ano ang magiging reaction ni Hideo oras na makita na niya ang anak namin. Napakasuwerte ko talaga sa kaniya. Napakasuwerte ko at siya ang minahal ko pagkatapos kay Zakh.

“Let’s eat, wife. It’s already nine in the morning.” Mayamaya ay saad niya at umalis sa tabi ko. Tumayo siya at inalalayan akong makaupo rin nang maayos. “Aalis pala ako ngayon, wife.”

“Where are you going?”

“May aasikasuhin lang akong importante.”

Saglit akong tumitig sa kaniya nang mataman. “Hideo, baka naman...” Huminto ako sa pagsasalita at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Tumingin naman siya sa akin matapos niyang ilagay sa may tiyan ko ang maliit na lamesa at ipinatong niya roon ang pagkain na dala niya para sa akin.

“I know what you’re thinking right now, wife,” sabi niya.

“I’m just wo—”

“I know. But you don’t have to, wife,” aniya. “Yesterday, when you told me you were pregnant. I decided right away. Hindi ko kayang isugal ang buhay ng asawa ko at ang buhay ng magiging anak ko. I can do everything for you and for our baby. I can let go of everything... Masiguro ko lang na ligtas ka at ang baby natin.”

Bigla namang nag-init ang sulok ng mga mata ko matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Oh! Pakiramdam ko may malamig na palad ang humaplos sa puso ko ngayon. Naluluha ako. Oh, God! May dahilan na naman ako para mahalin pa nang husto ang asawa ko. Hideo is not perfect... Para sa ibang tao. Lalo na sa mga taong kilala siya. Mga taong alam kung anong klaseng tao siya. But for me, he’s so damn perfect. Hindi ko tuloy maisip kung ano ba ang nagawa kong kabutihan para bigyan ako ng Diyos ng isang lalaking magmamahal sa akin nang wagas. Magmamahal sa akin ng ganito. He can do everything for me, for our baby. Handa siyang pakawalan ang mga bagay na mayroon siya alang-alang sa kaligtasan namin ng anak ko.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now