CHAPTER 40

530 22 0
                                    

“WHAT DO YOU MEAN?” tanong ko pagkuwa’y dahan-dahang bumaba sa hagdan habang ipinapagpalipat-lipat ko ang tingin sa mga kapatid ko maging kay Hideo at Morgon.

Nakita ko si Hideo na muling nagpakawala nang malalim na paghinga kasabay ng inis na paghagod ng kaniyang buhok at naglakad palapit sa may bintana.

Si Kuya Kidlat naman ay piniksi ang pagkakahawak nina Morgon at Arn sa braso nito. Nagpakawala rin ito nang malalim na buntong-hininga.

Nang makababa na ako nang tuluyan sa hagdan ay dahan-dahan akong naglakad palapit kina Kuya Ulap at Kuya Sky.

“Kuya Giulio, ano ang ibig sabihin ni Hideo?” tanong ko na nag-uumpisa ng lumakas ang kabog ng dibdib ko ngayon. Nag-uumpisa na ring mangatog ang tuhod ko sa mga maaari kong malaman ngayon.

“Ysolde—”

“Tell her the truth, Giulio.” Galit pa ring saad ni Hideo dahilan upang maputol ang pagsasalita ni kuya.

Saglit kong tinapunan ng tingin si Hideo bago siya naglakad palabas ng bahay at umalis. Gusto ko siyang habulin para makausap din siya, pero hindi ko na iyon ginawa. Hinayaan ko na muna siya. Mas kailangan kong makausap ngayon si kuya.

Muli kong binalingan ng tingin si Kuya Giulio.

“Come on bro, tell Ysolde the truth.”

“What are you talking, Kuya Sky?” tanong ko na medyo napapataas na rin ang boses.

Ano ba ang ibig nilang sabihin? Anong totoo? Na hindi si Hideo ang pumatay sa tatay ko kagaya sa narinig ko kaninang sinabi niya? Then who? Nag-uumpisa na ring maguluhan ang isipan ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Kagigising ko lang, tapos ito kaagad ang bumungad sa akin kaya hindi pa tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng mga narinig ko kanina.

“I’m sorry Ysolde.” Ani nito.

Nangunot lalo ang noo ko at napatitig kay kuya.

“It’s not Hideo who killed Bernard.”

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Natigilan ako at napatulala kay kuya. What did he say? Hindi si Hideo ang pumatay kay papa?

Naramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko.

Mayamaya ay naramdaman ko ring may humawak sa baywang ko. Nang lumingon ako rito, it’s Kuya Sky. Nasa tabi ko na ito.

“W-What... what did you say kuya?” tanong ko nang muli kong tapunan ng tingin si Kuya Kidlat.

Muli itong napabuntong-hininga nang malalim at umupo sa sofa. “I’m sorry... I hid the truth. It’s not Hideo who killed your father.” Ani nitto. Saglit pa itong tumitig sa akin bago muling nagsalita. “It’s Zakhar.”

Bigla akong napasinghap kasabay niyon ang pagtulo ng mga luha sa mata ko at napatutop din ako sa bibig ko. What? Si Zakhar ang pumatay kay papa? Si Zakhar ang may malaking kasalanan sa akin? But all these time nagagalit ako kay Hideo, sinisisi ko siya sa pagkawala ni Papa. But the truth is... he’s innocent. Wala siyang kinalaman sa pagkawala ng tatay ko! Walang kasalanan sa akin si Hideo!

Pero paanong nalaman ni kuya ang tungkol doon? Paano nalaman ni kuya na si Zakh ang pumatay kay Papa?

“Hawak ni Morgon ang copy ng cctv sa parking lot ng casino kung saan nawalan ng buhay si Bernard noon. Morgon gave it to me para ibigay kay Hideo at para malaman mo ang totoo. But I didn’t give it to Hideo. I did not tell you about the truth—”

“But why, kuya?” lumuluhang tanong ko.

“Because I don’t like him for you.” Diretsong sagot ni kuya habang seryosong nakatitig sa akin.

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now