CHAPTER 41

421 18 4
                                    

WARNING!!!
RATED SPG?

This chapter contents bed scene and vulgar words that are not suitable for young or minor readers. Please, just skip this page if you don’t want to read matured content! Thank you!
***

PALAKAD-LAKAD ako sa loob ng kuwarto ko habang sinusubukang ko pa ring tawagan ang cellphone number ni Hideo. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina nina kuya at Morgon doon sa sala, umakyat ako agad sa kuwarto ko at tinawagan ko si Hideo. But I could not contact him.

Nagpakawala ako ulit nang malalim na buntong-hininga at huminto sa paglalakad ko. Nasapo ko pa ang noo ko habang nakatitig pa rin sa screen ng cellphone ko.

“Please, love. Where are you?” usal kong muli. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng kaba ngayon. Baka kung ano na ang nangyari sa asawa ko.

I tried to call him again... pero unattended pa rin.

Napapikit ako nang mariin at muling napabuntong-hininga nang malalim.

Mayamaya ay nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa labas ng kuwarto ko. Tumingin lang ako roon at hinintay na bumukas iyon. Sumilip naman doon si Jule. Nang makita ako nito ay kaagad itong pumasok.

“Ysolde!”

Naglakad ako palapit sa kama ko at inilapag sa tabi ko ang cellphone ko. Lumapit sa puwesto ko si Jule at umupo sa tabi ko.

“Hey, nagkausap kami ng Kuya Giuseppe mo ngayon lang bago ako umakyat dito.” Ani nito.

Malungkot ang mukha na tumingin ako kay Jule. Mabilis ko ring kinagat ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman kong nag-umpisa na namang mag-init ang sulok ng mga mata ko. Nagbaba ako ng mukha pagkatapos.

“Naglihim sa amin si Kuya Giulio. Naglihim siya sa akin,” sabi ko na medyo nangangarag na naman ang boses dahil sa iyak na pinipigilan kong kumawala sa lalamunan ko.

Naramdaman ko namang lumapat sa likod ko ang palad nito at masuyong humagod doon.

“He lied, Jule. A-Alam... alam niya pala ang totoo na hindi si Hideo ang pumatay kay Papa pero hindi niya sinabi sa akin. Hinayaan niyang paniwalaan ko na si Hideo ang pumatay kay Papa. Hinayaan niyang magalit ako sa asawa ko para kamuhian ko siya nang tuluyan at maghiwalay kami. At... at dahil doon nasasaktan ako ngayon nang sobra. And I felt guilty dahil nagtanim ako ng galit sa puso ko para kay Hideo. I blamed my husband for my father’s death, na wala naman pala siyang kasalanan.” Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tuluyan na iyong tumulo mula sa mga mata ko.

“Paano ninyo nalaman?”

“Because of Morgon.”

“Nagkausap na ba kayo ni Giulio?”

Umiling ako. “No. Umalis kaagad siya kanina.”

Malalim na buntong-hininga rin ang pinakawalan ni Jule sa ere pagkuwa’y hinawakan ang kamay ko. Masuyo nitong pinisil-pisil ang palad ko. “Kung ano man ang dahilan ng Kuya Giulio mo kaya nagawa niyang maglihim sa ’yo tungkol sa mga nangyari dati... sigurado akong ayaw niya lang na mapahamak ka. Mahal ka ng mga kuya mo kaya ganoon na lamang ang pag-iingat nila para sa kapakanan mo. Nawala na ang mga magulang mo at sila na lamang ang mayroon ka, Ysolde. Kaya naiintindihan ko rin si Giulio. Medyo magulo at delikado ang buhay ni Hideo, ayaw lang ni Giulio na mapahamak ang nag-iisa niyang kapatid na babae. So huwag ka ng magalit sa kaniya kung naglihim man siya sa ’yo tungkol sa pagkamatay ni Sir Bernard dati.”

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang naglandas na naman sa mga pisngi ko. “H-Hindi ko lang magawa na hindi magalit sa kaniya, Jule. Of... of course, hindi lang naman tungkol sa akin ang lahat ng ito, e! Naglihim siya sa ’kin tungkol sa totoong pumatay kay Papa. Dahil doon, nagalit ako kay Hideo na wala naman siyang kasalanan. And... Hideo, he asked for my forgiveness kasi gusto niyang bumalik ako sa kaniya. Gusto niyang maging okay ulit kami. Not knowing na wala naman talaga siyang kasalanan at si Zakh pala ang pumatay kay Papa. Jule, nagtanim ako ng galit dito sa puso ko para sa asawa ko.” Lumuluhang saad ko. “But... yeah, naiintindihan ko rin naman si kuya. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit niya ginawa iyon.”

GRIPPED: Ysolde Latorre Book 2 (R18+) ✓Where stories live. Discover now